TALLY POV
'Good Morning' 'Thank You GOD for Another Day'
Inayos ko na ang pinaghigaan ko, lumabas na ako ng kwarto ko, naabotan ko si katty na tulog pa balot ito ng kumot
Nagsalang muna ako ng bigas sa rice cooker, tapos nagchop na din ako ng sibuyas at bawang into a small pieces, ready to cook na naman yung binili kong karne ng baboy huhugasan na lang dahil chopped ba sya, nagsalang na ako ng kawali sa gas stove tyaka binuhay ang gas then naglagay ako ng konteng mantika, nang mainit na ang mantika tyaka ko naman nilagay ang sibuyas at bawang hinalo ko lang ito ng alam ko nang luto ito saka ko nilagay ang mga karne, umingay na din ang mantika dahil sa karne, 3 minutes ko itong hinahalo, tumigil lang ako saglit ng nangalay ang aking braso, nilagyan ko na din ng mama sitas soy sauce, ng paminta, magic, 1cup of water, tyaka dalawang dahon ng laurel, mamaya ko na ilalagay ang suka kapag malambot na ang karne.
Umupo ako saglit at nag cellphone, nagopen ako ng t****k ko, unang lumabas Joshua Garcia agad tanginang like yan, di ko alam kung bakit like tawag ko pero heart ang nandon, dami nyang views, pag scroll up ko putek same sound same step ibang tao lang, scroll up again ow bagong d.c ni niana potek ang galing.
Iniwan ko muna phone ko sa ibabaw ng table, bumalik ako sa aking niluluto kumuha ako ng isang pirasong karne at tiningnan ko ito, medyo malambot na sya kaya nilagay ko na ang suka, tinantsa ko lang ito depende padin naman sa taste ko eh. Pinakulo ko lang ng konte tapos tinikman ko, kulang sa alat kaya naglagay ako ng isang cup ng asin charot mga 1/2 tablespoon lang. Then tinikman ko ulit, pinakuloan ko lang sya hanggang sa lumambot ang karne. Tiningnan ko ulit kung malambot na and PERFECT agad kong pinatay ang gasul.
Magpapaka chef ako ngayon nagsalang ulit ako ng kawali, nilagyan ko ito ng mantika nang kumukulo na, nagluto na din ako ng spam, ini-slice ko muna bago ko nilagay sa kawali.
Nang matapos na ako magluto tinanggal ko na din ang plug ng rice cooker at nilagay sa table
Pumunta ako sa may sala naabotan ko na si pusa nakasandal sya ngunit nakapikit
"Inggit ka nanaman sa beauty ko?" Kapal nito
"Kumain na tayo nang magkalaman yang utak mo ng hindi puro hangin"
"Ikaw na lang di ako gutom" haha na hurt ba sya sa sinabi ko
'croock' mga bulati nya ba yon haha
Lumapit ako sa kanya at binuhat sya
"Pwede ba ibaba mo ako, maglalakad na lang ako"
"Baka mas lumala pag pinilit mong maglakad, matatagalan kang gumaling"
"Pano lagi mo akong binubuhat parang sinasabi mo na lumpo talaga ako"
"Ikaw lang nagiisip nyan, gusto ko lang gumaling ka agad"
"Para pwede mo na ako paalisin diba?"
Maingat ko syang iniupo sa bangko
"Bakit gusto mo ba na magtagal pa na may injured ka?"
"Hindi"
"Pray muna tayo" sabi ko
Ako na ang naglead ng prayer, nagpa thank you sa mga blessings nya
Nagsandok na ako ng kanin ganon din sya, nagsabaw ako ng adobo at nagsandok ng karne
Sya naman nagsabaw lang ng adobo kumuha din ng konteng karne at kumuha ng spam
"May pasok ako ngayon, mamaya pang 5 pm uwi ko"
"Okey, tutulog lang ako maghapon"
"Maglalakad kalang kapag mag ccr ka at wag kang pabasta basta maglakad huh, kakapit sa mga pwede mong kapitan nang hindi lahat ng weight mo nasa paa mo"
"Okey"
"Siguradohin mo lang ichecheck ko yan sa cctv" nagpalinga linga sya hinahanap nya siguro
"Hidden camera yun, wag mo na hanapin"
After namin kumain naghugas na ako
Nagpabuhat na din si pusa pa sala dun daw sya
"Maliligo kaba?" Tanong ko
"Pano eh ganto lagay ko"
"Tanggalin mo muna yang bandage, sa bathtub ka maliligo para pwede mo hindi mabasa ang paa mo"
Pumasok lang ako sa kwarto ko para kumuha ng undies and bathrobe
Lumabas na ako ng kwarto ko at sa cr naman ako dumiritso
——
Nang matapos akong maligo, nilagyan ko ng tubig saka ko nilagyan ng liquid soft ang bathtub tyaka lumabas na ako
Naabotan ko si katty na nanonood ng Red Notice sa Netflix
Pumasok ako ng kwarto ko, kumuha ako ng isang pink shirt at short at kumuha na din ako ng undies na hindi ko pa nagagamit tyaka ako lumabas
"Ligo kana"
"Okey"
"Ito muna suotin mo" binigay ko sa kaya ang damit na susuotin nya
"Tara na, buhatin na kita"
At binuhat ko nga sya at dinala sa cr, kinuha ko ang damit nya na susuotin at nilagay sa may hangeran
"Basain mo na din ang damit mo saka mo nalang alisin kapag nasa tubig kana"
Tumango lang sya, kaya nilagay ko na sya sa bathtub, nakapatong ang paa nya sa may edge ng bathtub
Nilapit ko sa kanya ang towel para madali nya makuha mamaya
Malapit na naman sa kanya mga need nya
"Labas na ako, tawag ka lang pagtapos kana"
Habang naliligo si katty nag order ako sa foodpanda ng 1 pc chicken mcdo with fries and mc spaghetti and burger mcdo
Nag prepared muna ako, papasok na ako mayamaya
"Hey tali im done'' sigaw mula sa cr
Pumunta naman ako agad at binuksan ang pinto
"Puta bakit ka ba naglaba pwede naman i-washing yan mamaya pagdating ko, yung paa mo baka mapa ano dyan"
"Sira kamay pinanlaba ko hindi paa"
"Tsk, body soft pa ginamit mo"
Lumabas ako saglit para kumuha ng basket, hays
Bumalik na ako ng cr baka kung ano ano na ginagawa non
"Lagay mo yan dito" tukoy ko sa damit nya
"Labas na tayo" parang gusto nya pa dito
Binuhat ko na sya, naligo ba to bat wala akong maamoy na shampoo, binaba ko na sya sa couch sakto naman na may nag doorbell, tiningnan ko sa peephole kung sino
Tsaka ko agad binuksan ng malaman kong foodpanda pala ito
"Hi po maam Tally Noime De Vera?" ngingiti ngiti pa si kuya ng makita ako
"Yes po kuya"
"Order nyo po maam, thank you po maam"
"Thanks" thru online ako nagbayad
Sinarado ko na ang pinto tyaka pumunta sa sala
Nilagay ko sa may table itong inorder ko
"Para sa lunch mo to huh"
"Okey sige, thanks"
Kinuha ko na ang bag ko, cellphone check, susi check
"Alis na ako, yung paa mo huh"
At umalis na ako ng bahay
——