Chapter Twenty Three

2439 Words

Maingat kong inilagay sa lalagyanan yung mga pinggan na hinugasan ko kanina. Si Dan kasi, tinakasan nanaman ako. Baliw talaga kahit kailan ang isang 'yon. Nang matapos na ako ay pinunas ko ang aking kamay sa towel.   Sinilip ko si Dan na ngayon ay nakahilata sa sofa. Pagod nanaman. Umuwi na nga ng maaga, pagod pa siya. Antukin talaga ang isang 'to.   "Gising na diyan." Binato ko siya ng isang rolyong tissue.   "Tss." Halatang nainis, tinakpan ba naman ng unan yung mukha, e.   Kainis naman 'to.   "Dan, gising. Punta tayo, court." Pumunta na ako sa kanya at saka siya niyugyog.   Inis naman niyang inalis yung unan at binato. "Tsk, court? Puta."   "Mura nanaman!" Pinalo ko yung bibig niya. "May bola ka diba? Tara! Basketball."   Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Mabilis siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD