"Magandang hapon po, ma'am Cadence!" Ngumiti lang ako sa kanila at nagsimula nang maglakad papuntang office ko. Thirty minutes na lang at tapos na ang trabaho! Makakapag pahinga na rin, sa wakas! Maingat kong pinihit ang doorknob, hindi na ako nagulat nang makita ko siya. Lagi namang ganito sa tuwing kagagaling ko lang sa break, e. Makikita ko siya dito sa office ko na nakaupo sa couch at naka patong ang mga paa sa coffee table. I locked the door then put my things on my table, sinadya ko talagang lakasan para magising siya. "f**k?" Kinuskos niya ang kanyang mata. Halatang naalimpungatan, e. Umupo ako sa swivel chair. "Ano? Umaga na." Naningkit ang kanyang mga mata, tapos ay biglang umiling at sinapo ang kanyang noo. "Puta naman, Cadence. Ngayon pa lang nakakapag pa

