"Ang haba na ng pila sa Star City, niyan! Bakit ba ang bagal bagal niyo, huh? December ngayon kaya malamang siksikan! Anong oras na, o?" Panay ang putak ko sa kanila. Umiiling na lang si Syche, nagulat nga 'ko kasi bigla siyang tumayo. Hindi pa siya tapos kumain, ha? "Nang! Penge nga po ng isang plastic." Tawag niya sa matanda naming katulong. Pagbalik naman ni Manang Hilda ay inabot niya ang plastic kay Syche. Kinuha niya yung mga pagkain sa mesa. Not totally na kinuha niya dahil madami ang nandoon, yung iilan lang. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko. Tumingin siya sa wall clock bago sa akin. "You're right, malelate na tayo. Sorry Tita." Nagsitayuan na rin yung dalawa kong pamangkin. Naabutan ko si Stan na nakatingin sa akin, inilayo ko agad yung paningin ko sa kanya.

