Pagdilat ko ay pinakiramdaman ko na agad ang aking katawan. Well, okay naman pero parang pagod na pagod ako. Naka ilan nga ulit kami sa Star Flyer at Star Frisbee? Muntik pa nga 'kong masuka dahil kakainom lang namin ng buko shake nung sinubukan namin yung frisbee na 'yun! Kinuha ko agad yung katabi kong unan at saka niyakap iyon. Ano kaya yung nararamdaman ko sa pamangkin ko? Am I having a crush on my nephew? God! That's insane! Ibinaon ko yung unan sa aking mukha. Bakit ko ba naisip yun? Tumayo na 'ko. Feeling ko ang gulo gulo ko ngayon. I went to my bathroom and do my morning rituals. Pagbaba ko ay pakiramdam ko hindi pa 'ko nakakapag suklay. E, hindi pa naman talaga. Naabutan ko na agad si Sevhire na nagliligpit ng hapag. Sinilip ko yung labas at wala yung sasakyan.

