Paano mo ba talaga mapapatunayan na sobrang mahal mo ang isang tao? Dahil sa mga salita? Dahil sa mga binibili mong abubot na gusto niya? O dahil pinangangalandakan mo sa mundo na mahal mo siya? Paano naman yung ibang tahimik lang pero mas pinapakita sa gawa? Para sa akin iyon ang tunay na pagmamahal. Hindi kami nag-usap nina Karl at Traveon noong gabi na 'yon. Si Justine lang ang kausap ko magdamag na pinatulog ko na rin agad. May pasok pa siya. Kinaumagahan nga, nahirapan pa ako at nalate sa trabaho. Pinipilit kasi ako ni Karl na huwag ng pumasok which is hindi pwede. I'm getting irritated. Hindi ko alam kung bakit masyado ang proteksyon na ginagawa niya sa akin. "Ma'am Cadence, good morning po." Bati sa akin ng empleyado sa kompanya. Tumango ako at ngumiti. Diretsyo agad

