Nakailang beses akong lumunok para man lang maabsorb ng utak ko ang nangyayari, ngunit hindi pa nga ako nakakamove-on ay isang pamilyar na chinitong mata na agad ang aking nakita, dahilan para dalawin ako ng matinding takot at kaba. "Elise, what are you doing?" Baritonong tanong ni Dread kay Elise. Bahagyang nilingon ni Elise si Dread. "Nothing, Kuya." Aniya. Shit! Bakit ba nandito silang magkapatid? Para akong isang daga na corner ng mga pusa. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas o kung makakatakas pa ba ako. "And you're talking to my special someone." Ani Dread at tinapunan ako ng isang malagkit na tingin. Napangiwi ako doon at napaatras. Okay, Cadence. Just stay calm. "Oh?" Tumaas ang isang kilay ni Elise. "Is she your special someone, Kuya?" Nakita ko an

