"Magandang umaga po, Ma'am Cadence. Ang mga kapatid niyo ay nasa hapag na para sa almusal." Yumuko ang katulong sa akin. Nandito ako sa labas ng mansyon at nagpapahangin. Alam kong sa mga oras na ito ay mapungay o inaantok ang aking mga mata. Paano ba naman kasi, anong oras nga ba ako nakatulog? Alas tres? Alas kwatro? Still can't believe that this thing is happening right now. Hindi ko na nga inistorbo si Stan, I know that he's dead tired too. Patay iyon sa trabaho at ayokong makadagdag pa ako sa iisipin niya. Sumunod ako sa katulong patungo sa loob hanggang sa may dining area. Nandoon na nga silang tatlo, si Justine ay nakangiting nakatingin sa akin, si Trav naman ay nakatingin lang. Kabaligtaran ni Karl na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. "Ate Cadence! Come! Sit

