Hindi ko alam ang gagawin ko. Traveon and Karl Daniel are here. How did they know? At bakit nagsosorry sa akin si Sevhire? Huling lumabas ng bahay si Syche, halatang iritado na rin sa mga nangyayari. "Cadence." Banggit ni Karl Daniel sa pangalan ko. "Let's go." Aniya at binalak na lumapit sa akin ngunit hinarangan ng mga pamangkin ko. "Who are you?" Maangas na tanong ni Stan. "KD, not now." Ani Sevhire kay Karl Daniel. "Kilala mo sila?" Lingon ni Syche kay Sev. "Of course, kilala ako ni Sevhire. Right, Sevhire?" Mapaglarong ngumiti si Karl Daniel. Si Traveon ay nasa gilid lang. Nagmamasid sa mga nangyayari. Nang nahagip niya ang aking tingin ay bigla siyang ngumiti sa akin. Nakaramdam agad ako ng hinala. Shit! Alam na nila. "Ano bang ginagawa niyo dito?" Ani

