Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa araw na iyon. Sa dami nang mga nangyari ay nagpasalamat ako sa Diyos dahil kinaya ko lahat. Kinabukasan, nagising ako bigla dahil sa ingay. Ginawa ko muna ang mga ritwal ko tuwing umaga bago lumabas ng kwarto. "Good Morning, princess." Nabungaran ko agad si Stan na magulong-magulo ang buhok at mukhang kagigising niya lang din. Ano ba yan, halatang hindi pa nagtotoothbrush ang isang 'to pero ang bango pa rin ng hininga. Ngumiti ako sa kanya. "Kumain ka na?" "Hinihintay kita. Let's eat?" Ngumisi si Stan at hinawakan ang kamay ko. Gusto ko siyang pagalitan sa ginagawa niya. Ang aga aga tapos ginaganito niya ang puso kong humahataw nanaman sa bilis. Naabutan namin ni Stan sina Syche at Sevhire sa hapag. Si Sevhire ay abala sa kanyan

