Habang naglalakad kami ni Stan pauwi ay panay dutdot ko sa aking cellphone. Kahit na alam kong dead bat na talaga ay hindi ko pa rin iyon tinitigilan. Did I made the right decision? Parang mali pa ata na sinabi ko agad kay Stan lahat. "Stan, pwede bang next month mo na sabihin?" Tanong ko sa kanya. "Bakit next month pa kung pwede namang ngayon?" Ani Stan sa akin. Parang gusto kong huminto sa paglalakad nang matanaw ko na yung bahay. Huminto ako saglit. "I want to be ready. Hindi ko alam kung anong pwedeng gawin sa atin ng daddy mo. Arrhenius ka at sikat ang apelyido niyo sa mga tao." Ito na nga ba ang kinatatakot ko, some people won't understand the situation. Simply because they are not on our shoes. Basta ka na lang huhusgahan sa mga naririnig nila kahit hindi pa talaga a

