Masyadong malamig ang mga kamay kong nakahawak sa braso ni Lorcan. Gulong-gulo ang kanyang mga matang may nais sabihin. "L-Lorcan, umalis na tayo." Nanginginig na sabi ko habang nakatingin sa pintuan na pinaglabasan ko kanina. Dread is there! Kitang kita ko ang chinito niyang mata na nakasilip! "W-What? Ano bang nangyari Cadence?" Naguguluhan niyang tanong sa akin. Umiling-iling ako habang nakatingin pa rin sa pintuan. "Umalis na tayo, Lorcan. Please... please." Sinundan ng mata ni Lorcan ang pagtulo ng aking luha, inangat niya ang kanyang kamay para sana mapunasan iyon ng bigla akong lumayo. Kumunot ang kanyang noo sa ginawa ko. Ako na mismo ang nagpunas ng aking luha. "Okay. Aalis na tayo." Tikhim niya at hinawakan ang aking palapulsuhan. Nakita ko agad ang Hilux

