"Syferath ako, miss." Depensa ko, bakit sa dami nilang magpipinsan ay si Lorcan ang ipapareha sa akin? Tipid na ngumiti yung babae. "Pasensya na po. Napag-utusan lang talaga. Kailangan na pong magawa yung photoshoot niyo ngayon." Napairap na ako. "Miss, hindi nga ako Arrhenius." "But you're going to be an Arrhenius naman po, ma'am." Ani babae na siyang kinagulat ko. "What?" Nagulat ako. "Yes po. Kayo po ni sir Francis, diba?" Inosenteng tanong niya. Gulong-gulo akong lumayo sa kanya. "Hindi kami ni Lorcan. May number ka ba ng boss mo? Can I talk to Mikael?" Para namang nagmadali iyong babae na kunin ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Pinagmasdan ko siya habang dumadial. Nang matapos na siya ay binigay na ng babae ang kanyang cellphone sa akin. "Sinagot

