"Masamang pinaglalaruan ang pagkain." Nag-angat ako ng tingin kay Aurora na masayang kinakain ang baon niya. Lunch kasi namin sa office ngayon, noong una nagulat ako kasi nandito sila ni Yel. Sabi nila, utos daw ng CEO na ilipat sila dito sa Quezon City. I don't want to blame Stan but.... "What is your problem?" Pumangalumbaba si Aurora. "You're not eating your food. Lagi kang wala sa sarili, anong gusto mong sabihin ko kay Dan? Na nababaliw ka dito?" I sighed. I don't know what's happening to me too. Parang nawalan ako ng lakas. Dalawang araw na ang lumipas matapos ko makausap si Manang Elita. Dalawang araw na rin akong hindi makausap ng matino ng mga kaibigan ko, including Stan. He's really patient to me. Kapag natatarayan ko siya ay nananahimik na lang si Stan sa isa

