Napagdesisyunan namin ni Stan na magpunta sa Cavite kung nasaan yung probinsiya. Sabi ko nga sa kanya na sana ako na lang, pero ayaw, e. "Stan, may meeting pa kayo ni Mikael diba?" Tanong ko sa kanya. Tamad niyang minaneho ang sasakyan. "Yeah." Ngumuso ako. "Baka mag-away kayo." Hindi siya sumagot sa akin. Mikael is a perfectionist one. Gusto niya laging tama, strikto din siya kaya natatakot ako na baka sila naman ang mag-away nang dahil sa akin. "Don't think too much." Ani Stan at ipinatong ang isa niyang kamay sa kamay kong namamahinga sa aking hita. Tinignan ko ang mga kamay namin at hindi ko na napigilan pa ang pag ngiti. Makasama ko lang talaga siya sa bawat problema ay alam kong kaya ko iyong harapin. Nang nasa pro

