Naupo kami sa pinaka huling table, I'm with Traveon right now. Ayaw pa nga sana ni Sevhire kaso ay sabi ko okay naman. Kaming dalawa lang kasi ni Traveon ang nandito sa pinaka dulo, kasama ni Sevhire si Justine sa unahan kung nasaan yung mga bisita. "You're not eating your food." Nguso ni Traveon sa pagkain ko, kanina pa nga nag gigitara ang isang 'to. Ginalaw galaw ko yung handang Spaghetti ni Justine. Wala kasi talaga akong gana, I want to know everything. Tingin ko ay hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang lahat. I need to talk to Manang Elita and Lorcan, kahit na labag sa akin. I want to know where did he get that idea. "Gaano ba katagal na magkakilala sina Sevhire at Justine?" Tanong ko nalang habang pinaikot-ikot yung pasta sa tinidor. "Five and a half

