Nauna kaming dalawa ni Stan na umalis. Sabi kasi ni Sev, nagyaya daw yung mga pinsan nila na kumain sa Tokyo Tokyo doon sa Trinoma, niyaya nga nila kami ni Stan pero tumanggi na ako. Bukod sa nakaka-ilang na tingin ni Lorcan ay baka ma out of place lang ako doon. "Sabi ko kasi sayo, sumama ka na sa kanila." Tignan mo parang na bobored na. Nandito kami ngayon sa Syferath's park. I'm still wearing his cap. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Ngumiti ako at sinalubong ang paparating na simoy ng hangin. "Don't want to." Parang bata naman na sagot ni Stan. "Kumain ka na ba?" Tumayo ako sa inuupuan naming damo at tumakbo papunta sa Montero Sport niya, kinuha ko sa loob yung Isaw at kanin na binili ko kanina habang nag gogolf sila. "What's that?" Tanong ni Stan habang papalapit ako

