Kinabukasan ay maaga akong gumising. Nagsabi kasi sa akin si Sevhire na pupunta daw lahat sa Golf park, hindi ko alam kung saan iyon. Natatandaan ko noon na minsan ay nag gogolf din sina Stan pero hindi naman ako sumasama. Wala naman kasi akong gagawin dun. Sa kotse ako ni Stan sumakay. Sa Ranger naman ni Sevhire yung mga pinsan nila, hindi ko nga alam kung nasaan si Syche. He's too busy these past few days. Parang ang dami niyang pinagkakaabalahan. "You okay?" Tanong ni Stan sa akin, nakatingin siya sa daan. "Oo naman. Bakit mo natanong?" Sagot ko at sumubo ng fries na binili namin malapit sa drive thru kanina. "I'm hungry, subuan mo naman ako." Ani Stan at tila nagpa-awa pa. Inabot ko sa kanya yung limang fries at pilit na sinubo iyon sa kanya. Natatawa naman niyang k

