Sinundan ko si Stan hanggang sa makita ko na lang ang sarili kong nasa harap ng isang malaking puno katapat ng playground. Agad kong sinisi ang sarili ko sa pagsunod sa kanya. Pinaglaruan ko na lang ang mga daliri ko. Napaisip ako bigla, ano nga ba ang pag-uusapan namin? "Bakit kinakausap mo siya?" Mabilis na tanong niya, nakaharap siya sa puno at nakatalikod sa akin. "You like my cousin, tita?" Napapikit ako saglit. Tinawag niya akong tita. "Answer me, Cadence." Mas lalong lumamig ang kanyang tono. "H-Hindi." Lumunok ako. Nagiging pasmado na rin ang aking mga kamay. "Pero mukhang gusto ka niya?" Ani Stan at humarap sa akin. Nananatiling walang emosyon ang kanyang mukha. Bakit ba siya nagagalit. Lumabi ako. Nasasaktan ako nitong araw dahil sa nalaman kong maaari

