Thirty Six

1078 Words
Nakabalik na ako sa Dorm ko. I lay down on the bed at halos hindi ko alam kung may masakit ba sa akin o masama ba ang pakiramdam ko o kung ano.  Naalala ko ang nangyari kaninan sa cafeteria. Para akong uminom nang suka dahil sigurado akong nawalan ng kulay ang mukh ako nang banggitin nya nag pangalan ni Alia. Pero umiling ito bigla at nagsorry sa akin. Coleen ang pangalan nito at napagalaman kong kaibigan pala nito si Alia. Pinilit kong iwaglit ang takot na kumakain sa dibdib ko. Ayokong magkaroon nang kahit anong magtatali sa akin sa lugar na ito. Kaibigan o kahit ano. "I'm just here for Yal" Pero hindi ko alam na magiging ganito ka kumplikado ang mga bagay. Pero isang bagay lang ang hindi nagbago, hindi ako nakakaramdam ng pagsisisi na ito ang nakuha kong shell, at hindi ko alam kung bakit. "I didn't abduct anyone. I don't know why you think i did" Napabangon ako nang marinig ko ang boses ni Jackson na nage echo sa pandinig ko. "Bakit naman kita paniniwalaan? Ikaw ang binabanggit ni Tia bago sya nagpakamatay" bulong ko Lumabas ako ng kwarto at humarap sa computer. Nagsimula na akong magsearch ng mga prospect na lugar kung saan pwedeng itago si Yal. Hindi nagbibigay ang computer nang kahit anong blueprint o anomang buong detalye o buong image ng isang building at kung ilang mga rooms ang meron sa buong building. Sinubukan ko ring magsearch nang mga keywords gaya ng basement o secret rooms pero kung hindi walang lumalabas na results ay f*******n information naman. Papatayin ko na sana ang computer nang may maisip ako. Tumayo ako at lumapit sa bag ko at kumuha ng ballpen at papel bago naupo na ulit sa harap ng computer at isinearch ang mga parte ng mga building. Nang isearch ko ang first floor nang Third building ay buong image nang floor lang nag ibinigay sa akin at hindi ipinakita kung ilang mg rooms ang meron doon. Agad kong idinrawing ang itsura ng buong floor.  Nang magsearch pa ako nang ibang picture na kuha sa ibang agulo ay idinrawing ko rin ang mga namiss kong detalye. Hanggang makaratig ako sa fourth building ay ganoon lang ang ginawa ko. Nang tingnan ko ang oras ay pasado hating gabi na. Ibinalik ko ang tingin ko sa typewriting na may drawing nang loob, labas at skeletal structure nang mga building. Halos nagluluha na ang mata ko dahil sa matagal na pagkakatitg nito sa screen nang computer dahil kailangan kong tingna lahat ng picture para lang mabuo ang itsura nang isang floor sa bawat building dahil walang kahit anong picture akong makita nang buong picture nang isang building na nagpapakita nang mismong istura nito sa loob na buo din at hindi by floor o by angle lang.  "And that's what makes it more suspicious" usal ko Itinatago nila sa tao kung anong mismong structure nang bawat building kung titingnan ito bilang blueprint. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang pagsakit noon at napagdesisyunan ko nang tumulog dahil may klase pa rin ako bukas. Isinipit ko sa isang libro ang mga typewriting at itinago ang libro sa likuran nang iba pang mga libro sa bookshelf. Pumasok na ako sa kwarto, naglinis ng katawan at nahiga, Dahil na rin siguro sapagod at agad din akong nakatulog. "Liquid Nitrogen, cryoprotectants and hibernation of Shells" Napaayos ako ng upo. Kulang na lang ay lagyan ko nang tootpick ang mga eyelids ko para hindi iyon bumagsak. Pero nagisng naman ang diwa ko dahil sa topic na binaggit ng Professor na nasa harapan namin ngayon. "So, how does it work? If you just freeze a human it will die. So your favorite books and movies lied to you. You cannot just freeze a human so it wont die. The ice crystals formation caused by the cold, it will kill a Shell's cells." he pasued and then flashed an image at the screen. Automatic din na nag view iyon sa desktop na naka kabit sa lamesa namin. Isang bote iyon na may cryoprotectants na pangalan sa label. "That is when this substance comes in the scene. The antartic fish produces their own to minimize freezing damages. Pwede din itong tawaging anti freeze. So the Shells, the are infuse with this substnce and then ibinababa ang temperature habang nasa Liquid Nitrogen" paliwanag nito Natapos ang subject na iyon ay nanatili akong manghang mangha sa topic na iyon. Nakakakita ako nang maraming Shell na nakapreserve pero hindi ko alam kung paano iyon nangyayari. Bumaba na ako para sa susunod na subject pero naisipan kong dumaan sa Faculty office para sana magtanong kay Ms. Paige kung pwede ko bang alisin ang subject kung saan magkasama kami ni Jackson. May ilan pang estudyante na nasa loob at hindi pwedeng magsabay sabay kaya pang apat pa ako sa sa mga estudyante. Nang bumukas ang pinto ay inilabas noon si Coleen. Hindi ako nito napansin dahil mukhang paiyak na ito kaya derederetso itong lumabas at umalis na ikinahinga ko naman ng maluwag dahil hindi pa ako handang makipag usap sa kanya pagkatapos nya akong tawaging Alia. At isa pa, natatakot din ako dahil alam kong pag matagal kaming magkasama ay maapansin at mapapansin nya ang Shell at malaki ang posibilidad na malaman nya na kay Alia nga ang Shell na ito. Ilan pang estudyante ang pumasok bago ako. Hindi na ako nagkaroon nang tsansang kumatok dahil biglang bumukas ang pinto at mula doon ay lumabas ang isa sa mga babaeng teacher at galit na galit ito at bumubulong pa ito pero hindi ko na nakuha kung ano man ang sinasai nito dahil agad din itong nagwalk out. Pumasok na ako nang Faculty room at agad na sumalubong sa akin ang Nordic Style na theme ng silid. May malaking lamesa sa gilid na may pintang kulay gold at ang mismong table ay kulay puti. May mga nakapatong doon na statue na maliliit gaya nang isang half body ng sang babae na h***d at mga ulo ng greek gods. Kulay puti ang pintura nang silid at wood design ang marmol na sahig. "She's just always like that." "Oh yeah! Since i came here? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya"  Napatingin ako kay Ms. Paige nang magsalita ito. Akmang tatawagin ko ang atensyon nito pero napanganga ako sa sunod na sinabi ng babaeng kausap nito. "Hayaan mo na. Mainit lang ang ulo nya dahil sa ideyang ikaw ang kaunaunahang citizen na nakapasok dahil ng white program. Hindi nya matanggap na nasagutan mo lahat ng tanong na ginawa nang ama nya na syang headmaster noon" Si Ms. Paige? Sya ang unang nakapasa sa White Program?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD