Thirty Five

1004 Words
Nangangatal ako. Hindi ko alam kung dahil sa galit o sa kung ano pang ibang emosyon."Saan mo sya dinala?" naiiyak kong tanong sa kanya. "The girl" he muttered. Napatingin ako sa kanya. Agad kong pianhid ang luha ko at humarap sa kanya. "Oo. Dalawa sila. Alam mo ba kung anong nangyari sa isa sa kanila pagkatapos mo silang pagtangkaang kunin?! Ha?! Nagpakamatay sya!" sigaw ko. Ipinikit ko ang mata ko at nagsisigaw. Hindi ko alam kung kailan ko iyong ginawa. Hindi ko alam kung kailan ako huling umiyak. Pilit ko mang patapangin ang ang sarili ko ay hindi ko kaya.  Pero kung hindi ko iyon ginawa ay baka nasiraan na ako ng bait. I dont have an identity. I dont know who iam at ni hindi ko alam kung kaninong pangalan ninakaw ang pangalan ko ngayon. Wala akong kahit ano, wala akong kahit anong meron sa buhay ko at walang kahit anong hawak sa kamay ko. Wala akong pamilya. "Wala akong alaala. I don't exist" usal ko. "Yung babaeng nakuha mo, sya na lang ang meron ako" sabi ko kay Jackson. Wala na akong pakialam kung tumutulo man ang luha ko sa harap nya dahil baka sakaling papakawalan nya si Yal kung saan man nya ito itinago kapag nakita nya akong nahihirapan.  O baka dalhin nya rin ako doon at wala akong pakialam don, basta makasama ko lang ang nag iisang pamilya na meron ako. Pero malayo sa inaasahan ko ang naging sagot nya. "I didn't abduct them" I stared at him with a sharp eyes. "Liar" usal ko. "Ano bang kailangan mo sa kanila? They just want to be human. Is it too much to ask? Is it too much to let them breathe?" sumbat ko sa kanya. He stepped closer to me at hindi ko napaghandaan ang sunod nyang ginawa. He pulled me into a hug at hinaplos ang aking buhok. Lalo lang akong napaiyak pero unlike the other reason, naiyak ako kasi pakiramdam ko ay may mapapaglabasan na ako nang sama ng loob at sakit na nararamdaman ko. Pero nang marealize ko ang nangyari ay agad akong lumayo sa kanya. Nagtama ang mga mata namin pero walang nagtangkang bumasag ng katahimikan na namamagitan sa amin. "I didnt abduct anyone. I don't know why you think i did" he said. Akala ko ay magagalit sya o sisigawan nya ako o kahit man lang magsasalita pa sya para kumbinsihin ako pero hindi. Sumakay sya nang elevator pababa at bago magsara ang pinto ay nagsalita pa ulit sya. "Be careful. Please" he paused "Ali" At nang sumara na nag pintuan nang elevator ay naiwan akong magisa doon. Hindi ko alam kung ano gagawin ko at hindi man lang ako binigyan ng lakas para makaalis sa kinatatayuan ko. Naiwan ako doong nakatayo at hindi ko alam ang gagawin. Pinunasan ko ang mga ilang butil ng luha sa pisngi at gilid ng mata ko at lumapit sa gilid ng rooftop. Kung dati ay nakatingala ako dito at tanaw ko ang liwanag nanagmumula sa Oxygen at Taurum ay nakatungo ako ngayon at tinatanaw ang baba. Kung titingnan ko ang ibaba ngayon ay parang hindi na ito ang nakilala kong lugar sa nakaraang dalawang taon. Kapag titingnan ko ito ay maaalala ko lang na hindi na ito ligtas gaya ng unang tingin ko dito. Maaalala ko lang na kinuha nito sa akin ang isa kong kaibigan. Kinuha nito sa akin si Tia. At ngayon, nakikipag laban ako para sa isa pa kahit hindi ko alam kung saan magsisimula.  Pero hindi iyon rason para tumigil. Dahil wala namang nagsisimula na nasa gitnang parte na. Hanggat nandito pa ako, gagawin ko lahat para makita sya. Hindi ako titigil. Naglakad ako papunta sa elevator at sumakay doon. Luminga ako sa loob ng elevator at doon ko napansin ang camera sa pinakataas na corner sa kanan ng elevator. May kulay red na nag biblink doon kaya alam ko na nagana iyon.  Hindi ko iyon pinansin at bumalik na ako sa mismong school grounds. Dumeretso ako sa cafeteria at pumunta sa pasta section. "Yun ulit?" nakangiting sabi ni Chef Ryan "May iba ka bang isa suggest?" tanong ko sa kanya I just don't want to feel like im Alia today. "Oh" gulat nitong sabi. "Lemon Broccoli Pasta Skillet. It's tasty too" nakangiti pa rin nitong sagot sa akin. "Ali Berg" sabi ko dahil alam kong tatanungin nito ang account ko. "I know" Chef Ryan said and then smiled before opening my records on his computer. Naupo ako sa kaparehong upuan na lagi kong inuupuan. Marami rami ding mga estudyante ang kumakain at karamihan sa kanila ay grupo o di kaya naman ay isang lalaki at isang babae na magkasama. Tumayo ako at kumuha na ng maiinom sa fridge bago bumaling para bumalik na sana sa upuan  ko. Pero napatigil ako nang makitang may nakaupo na doon. Babae ito na may kulot na buhok na umaabot sa bewang nito. Simple lang ang ayos nito pero mukha itong diyosa. Nakasalamin ito sa mata pero lalo lang yata itong nakadagdag sa personality nito. Nang makita ko si Chef Ryan ay papunta din ito sa upuan kung saan ako laging nakaupo at nagtaka ito at napatigil nang makitang wala ako doon. Lumapit ako sa lamesa. "Oh, is the table's taken already?" gulat na sabi ng babae. "Uhmm" hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya iyon lang ang lumabas sa bibig ko. "It is, she just went to grab a drink" Chef Ryan said. "No! It's okay. Can we just share?" tanong ko sa babae at ngumiti. Nagalangan ito pero nang makita ako nito ay natulala ito pero she managed to nod. Inilapag ni Chef Ryan ang order ko sa lames at ngumiti sa akin bago umalis. "uhmm" pukaw ko sa kanya nang makitang nakatulala pa rin ito sa akin. "Are you okay?" alalang tanong ko sa kanya. Nabalik lang ito sa ulirat nang ilapag nang waiter ang order nito sa lamesa namin. Iba nag kulay ng tray noon at seafood ang laman ng plato nya. Pinagmasdan ko ang order ko at mukha naman iyong masarap dahil para iyong kinulot na buhok. Napatawa naman ako sa isiping iyon. Mabango din iyon.  Nang magsisimula na sana akong kumain ay naiilang akong napatingin sa katabi ko nang hawakan nito ang buhok ko. "Uhmm, bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya. "Alia?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD