Naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang mainit ang paligid. Bahagya pa akong may naririnig na pag ugong na hindi ko naman dati naririnig. Pinilit ko pang ignorahin iyon dahil ayaw kong maabala sa pagtulog ko pero nang hindi na ako makatiis ay napabangon ako. Tagaktak ako ng pawis at basang basa ang likod at leeg ko. Agad kong pinuyod ang buhok ko, pati ang side ng kama na kinahihigaan ko ay bakas din ang pawis na naiwan sa bed sheet. Pinunasan ko ang noo at leeg ko gamit ang braso at dulo ng damit ko bago ko tiningala ang aircon. Agad naman akong nagtaka ng makitang naka high ang aircon. Anong nangyayari? Tiningnan ko si Yal na syang katabi ko at malamig din ng bahagya ang balat nito at mahimbing ang tulog niya. Puno ng pagtataka akong lumapit sa aircon at itinapat ang kamay

