Jackson stood up high. Hindi sya nagpakita ng anumang pagkatinag o pagkatakot sa harap ng mga lalaking counselor na di hamak na mas matanda at mas may experience kaysa sa kanya. "I'm not resigning." Napangiti si Heso nang marinig niya iyon. Inaasahan na nyang hindi bababa sa pwesto si Jackson. Pero napaghandaan nya ang pagkakataong ito. "You have no reason to stay, hijo. We can make a voting system right here and now para malaman natin kung kinakailangan ka pa ba ng sistema ng Milena o hindi na," mapanuya nitong sabi. To Heso's suprise, ngumiti sa kanya ang binata bago confident na naupo sa upuan nito. Agad na hinimas ni Heso ang baba habang patuloy na nakatingin kay Jackson. "I open the voting system." Nagkulay blue ang paligid at lumitaw anv malaking screen sa gitna mismo ng lamesa

