Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Mula doon ay agad bumunagd sa paningin ko si Jackson. May hawak itong card na sa palagay ko ay susi ng pinto, na hindi naman kailangan dahil iniwan nyang bukas at nakakawang ang pinto kanina. Agad akong tumayo at inilagay ang kanan kong kamay sa likod bago sumunod sa kanya palabas. "Go back to your dorm. I still need to do something" ani nito. Tumango ako sa kanya at tumalikod na para maglakad pabalik ng Elevator. Agad kong inilagay sa harap ang kanan kong kamay para hindi nito iyon makita. Nang makasakay ako ay agad kong pinindot ang button pataas sa floor kung nasaan ang dorm ko. When the door closed, napasandal ako sa elevator at napahawak sa ulo ko. Habol ko ang paghinga ko. I lifted my right arm. May isang mahabang hiwa doon at mula sa sug

