Padabog kong isinara ang pinto. "Bawal na rin akong magutom?!" sigaw ko. "Hah! Nakakalimutan nya yatang hindi ako si Ali! Ako si Ali, pero ibang Ali! Hindi ako nandito para bumalik. Nandito ako para sa kaibigan ko." matigas kong sabi. Ilang segundo pa akong nagpalakad ng pauli uli hanggang makaramdam na ako ng pagod. Doon ako kumalma. Agad akong napatingala na para bang makikita ko ang lab mula sa kisame ng dorm ko. I'm not here for anything except for Yal. Every second, pakiramdam ko ay sinasayang ko lang. I don't plan to stay here for long and i can't stay here longer. Hindi akin ang shell na ito at bawat segudong lumilipas, para akong mababaliw sa kakaisip kung anong pwedeng nangyayari kay Yal. Labag man sa kalooban ko ay napilitan akong bumalik sa kwarto ko at nahiga. Kasabay n

