I woke up earlier than usual. Pwede na akong pumasok ngayon kaya nagalarm ako ng maaga pero naunahan ko pa rin ito. Kahit tinatamad, bumangon na rin ako. Binuksan ko ang ref at tiningnan ang soup at yogurt na natira kahapon sa dinala ni Jackson. Kinuha ko iyon at pinainit ang soup. Dahil hindi na ako makatiis, kinain ko na ang yougurt habang hinihintay kong uminit ang sabaw. Nang makatapos akong kumain, napatingin ako sa orasan. Maaga pa talaga. Gusto ko sanang bumalik sa higaan para matulog pero baka naman masobrahan ako at malate kaya napagdesisyunan ko na lang na umupo muna sa sala at mag tablet. Walang gaanong nagagawa do'n pero meron namang pwedeng basahin. Ilang minuto pa ang nakalipas, halos naiiidlip na ako ng makarinig naman ako ng kalabog sa labas ng dorm ko. Agad akong naal

