Eight

949 Words
Im Running. Literally. Tumatakbo ako ngayon at hingal na hingal na ako. Siguro nga, mukha na akong kabayo at kulang na lang ay sa ilong at bibig ako huminga ng sabay.  "We need to move faster" Liam, the Hunter that i finally remembered the name, said. Halos masipa ko sya sa sobrang inis pero pinilit ko pa rin ang mga paa kong tumakbo pa ng kaunti. Nakakapanibago kasi ito. Dati, kahit makarating ako kung saan-saan, hindi ako napapagod pero ngayon, pakiramdam ko buong araw na akong tumatakbo samantalang ngangayon pa lang kami halos nakakalayo sa building. "S-sandali!" sigaw ko at itinaas ang kamay ko. "Time out muna!" sabi ko habang habol ang paghinga. Luminga ako sa likuran at tiningnan kung may nakasunod ba sa akin at ng makita kong wala ay naupo ako sa daan. Napasabunot ng bahagya si Liam sa buhok nito at naglakad pabalik sa kinauupuan ko. "Anytime, lalabas na sila dyan at hahanapin ka. Nakita ka ni Clarkson" maigting na paliwanag nito habang nananatiling nakatayo. Tuminga ako bago nagsalita. "Mauna ka na kung gusto mo. Hihinga lang ako saglit. One second lang!" sabi ko at itinaas ang isa kong daliri sa harap ng mukha nya. Napa tsk ito pero hindi umalis. Nagpalinga linga ito at nanatiling alerto sa paligid. Doon ko maayos na napagmasdan ang mukha nito. Kulay Brown ang buhok nito at tanned ang balat. Sa tingin ko mga nasa anim na talampakan ito. May nakasulat na Hunter sa balikat ng polo nito. Sa tantya ko ay nasa 25 year old na siguro ito dahil nag-aaral din ang mga Hunter bago sila maapoint sa isang base o lugar.  Just like when i was an Umbra, nang mapatagal na ang pagkakatingin ko kay Liam, i felt something warm but i cant point what kind of emotion that is. Emotions have been pretty foreign to me for a very long time at minsan, hindi ko na rin maintindihan. I got up  and then we started to  jog away from the place. Nang makalayo layo kami ay bumaling sya sa akin. "Nagugutom ka ba?" bigla nitong tanong. "Huh?" "Kung gutom ka na ba?" ulit nya. Bigla akong napahawak sa tiyan ko at hinaplos haplos iyon at pinakiramdaman kung nagugutom o kumukulo na ba ito. Mukha namang hindi pa pero gusto kong kumain. "Oo. May alam ka bang kainan?" i eagerly asked him "Meron. Pero..." he trailed "Pero?" "May pambayad ka ba?" tanong nito. Lumapit ito sa tenga ko at bumulong. "Wala namang pera sa bulsa ang shell na kinuha mo" Napasimangot naman ako. Wala ba syang pera? May sweldo naman ang mga Hunter at may bounty pa silang natatanggap kapag nakakahuli ng mga bigating wanted sa Milena. "Wala ka bang pera? Baka pwedeng ano-- pahiram muna" nahihiya kong sabi. Bigla itong tumawa at humakbang palapit sa akin saka itinaas ang kamay nito. Akala ko ay sasaktan nito ako kaya bahagya akong umiwas pero hinagip nya lang ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Biro lang" tumatawa nitong sabi. "Meron akong alam malapit lang. At isa pa, kailangan mong magpalit ng damit. Baka pag napadaan tayo sa mataong lugar ay makahalata ang iba o kaya naman makita ka ng ibang Hunter" sabi nito. Luminga ako sa paligid at doon ko lang narealize na nasa looban pala kami. Sa mga daan sa likod ng mga building kami dumaan at bihira lang ang mga taong dumadaan dito dahil medyo madumi dito at malayo naman ito sa mga trasportation. Lumiko si Liam pakanan kaya agad akong sumunod. Saulado ko ang lugar pero kinakabahan pa rin ako dahil no'ng Umbra pa ako, kapag nawawala ako ay tumatagos lang ako sa mga pader para makabalik sa Main Road o kaya naman ay lumilipad ako paitaas para makita kung nasaan na ba ako nagpunta at kung saan ang daan palabas. Hinawakan ko ang mga pader na nadaanan namin. Its good to feel something. "Andito na tayo" sabi ni Liam. Lumabas kami sa isa sa mga eskinita at sa gilid ni Liam ay ang isa sa mga masasarap na kainan na alam ko sa Milena. Hindi ito ang pinaka mahal pero sikat ito dahil masasarap ang pagkain dito. At syempre, alam ko iyon dahil ganon ang kadalasang ginagawa ko dati, manood ng mga taong kumakain sa Restaurant. Nauna na si Liam na pumasok at sumunod na rin ako. Sa gilid ng loob ng Restaurant ay may mga nakasabit na Trench Coat na pwedeng rentahan. Kumuha ng isa si Liam at ibinalot sa balikat ko. Ibinutones ko ang dalawa sa tatlong butones at itinali ang belt sa bewang ko bago sumunod kay Liam sa upuan. Nang makaorder ito ay halos makahinga ako ng maluwag. Hindi pa rin ako sanay na nakikita o nararamdaman ako ng mga tao. Mas sanay akong nilalagpasan nila ako. "Alam mo ba kung kaninong Shell ang kinuha mo?" tanong nya habang nakatitig sa akin. "Ha?"  "Siguro wala kang natatandaan. Pero yang Shell mo, hindi sayo yan. Isa sa mga Shell na binabantayan ko sa loob ng Exclusive Shell Reservation Center at ang alam ko ay matagal ng patay ang may ari nyan." "Alam k-" "Ngayon, naiintindihan ko kung wala kang maalala at ang naaalala mo lang ay yung mga natural na alalaa mo hindi kita pipilitin pero gusto ko lang malaman mo na kung gusto mo ng Shell, dapat hindi ka dun na nagnakaw dahil mayayamang pamilya ang may kamag anak sa mga may-ari ng Shell na nasa loob ng Center at para lang ipreserve sila hindi para magamit ng ibang Umbra katulad ng nasa ibang Shell Center" "Alam ko nga yan--" "Anong pangalan mo?" putol nya ulit sa akin "Ali. Alitalia." maikli kong sabi. "Ibig sabihin yan ang pangalan ng Shell na nakuha mo dahil mga alaala nya na lang ang naalala mo" "Sandali" usal ko. "Ali--" Sa sobrang inis ko ay napahampas ako sa lamesa. "SANDALI!" sigaw ko. Natahimik ito. "Bakit?" naguguluhan nyang tanong. Bakit naaalala ko pa rin ang pangalan ko at kung sino ako no'ng Umbra pa ako?! Ano bang nangyayari?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD