"Ano bang nangyari? Bakit hindi ka nagsasalita?" takang tanong ni Liam sa akin.
Ibinuka ko ang bibig ko pero walang lumabas na kahit anong salita mula doon. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya na naaalala ko pa rin ang pagiging Umbra ko o hindi. My instincts are telling me to trust him pero hindi ako dapat magrely lang dito.
Sakay kami sa Bullet Car pabalik sa apartment ni Liam. Doon muna daw ako tutuloy, syempre, pansamantala lang dahil wala naman akong balak magtagal dito sa ibaba. Ramdam ko ang pagbigat ng hininga ko. Kailangan kong makapunta sa Oxygen City. Kailangan kong mahanap si Yal.
Napahawak ako sa lamesa na nasa harapan ko. Nagpalinga linga ako sa loob ng Bullet Car at pinagmasdan ang itsura ng loob nito at ang mga ibang tao na kasama ko sa loob nito. Mukha ring commuter train ang loob ng Bullet Car pero mas mabilis ito at medyo mas masasabing komportable. May upuan sa loob na pang apat na tao at sa gitna no'n ay may lamesa. Sa isang Car ay may dalawang set ng lamesa at upuan.
Sumandal ako sa upuan.
The shell kept my former memory. Ibig sabihin, kaya kong iperfect ang exam dahil nasaulo ko ang answer key sa exam ng White Program.
"Ali! We're getting off"
Nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ni Liam at kumakaway pa ito sa harap ng mukha ko. Inayos ko ang coat na suot ko at naghanda nang bumaba.
Pagkababa namin sa station ay naglakad lang kami ng kaunti bago kami tumigil sa isang building. Kulay puti ang pintura nito at may malalaking kulay itim na salamin. Dumeretso na kami sa loob.
Nang makapasok kami sa loob ng Building ay agad kong nakita ang malaking Screen. Nakaregister do'n ang pangalan ni Liam kasama ang iba pang mga pangalan sa screen. Naka kulay Red ang pangalan nito indicating na sya ang pumasok sa loob ng Building.
Dumeretso na kami sa Elevator at pinindot nya ang Level 6.
Nang sumara ang pinto ay muli kong napagmasdan ang itsura ko dahil reflective metal ang pinto ng Elevator. Halos hanggang balikat lang ako ni Liam dahil sa sobrang tangkad nito. Medyo blurred ang itsura ko dahil hindi naman saktong salamin ang pintuan kaya hindi ko pa rin mapagmasdan ang itsura ng mukha ko. But, im certain na kulay brown ang buhok ko. Tuwid iyon at lumagpas lamang ng kaunti sa balikat ko.
"Your name's Ali?" basag ni Liam sa katahimikan.
Tumango lang ako.
"Maraming Ali sa Milena. Yung Area na pinagnakawan mo- i mean yung Umbra na nagnakaw ng Shell na ikaw na ngayon, wala kaming files tungkol sa mga Shell na nandon. VIP ang mga nandon at restricted area iyon kahit na sa mga Hunter. Isa lang ang taong nakakapasok ng malaya do'n." paliwanag nya
Tumaas ang kilay ko at napatingin ako sa kanya.
"Sino?"
"Si Jackson McQuoid. The next in line for Vice President. Nag-iisang anak ng Vice President ng Milena. Sya din ang nagpatayo ng huling Level ng Building na iyon kung nasaan ang Shell na yan" sagot nya
The name he mentioned immediately pricked my attention.
Sya ang Jackson na pinaghihinalaan ko.
"Madalas syang bumibisita sa level ng Building na iyon. Walang nakaalam sa amin kung sino ang tinitingan nya. But-" he paused the looked at me.
"I'm certain na ikaw yon. Sa lahat ng Shell na nakapreserve, iyang Shell na iyan lang nakalagay sa specialized glass"
Humarap si Liam sa akin.
"Now, tell me Ali, kilala mo ba si Jackson?" he asked while eyeing me.
Anong isasagot ko?
"Oo" the answer slipped through my mouth before i can stop it.
Napataas ang kilay ni Liam sa sagot ko kaya agad akong nagisip ng idadagdag sa sinabi ko.
"Kilala naman sya ng lahat." dagdag ko.
Ilang sandali nya akong tiningnan na para bang ineeksamin bago umayos ulit ng pagkakatayo. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil do'n at paulit ulit kong hiniling sa isip ko na wag na ulit syang magtanong.
Kung sakali mang ito ngang Shell na ito ang binibista ng Jackson naiyon, hindi ko alam ang sagot at hindi ko alam kung bakit dahil hindi ko naman naregained ang memory ng Shell ng makuha ko ito. Ni hindi ko nga alam kung sino ba talaga itong shell na ito. I feel uneasy just because of one reason. Hindi ko alam kung, kung sakaling naregain ko ang alaala ng Shell ay mas mapapadali ang plano ko o mas magiging madali ito kung nangyari nga ang nangyari sa akin ngayon na hindi ko nakalimutan ang mga alaala ko noong Umbra pa ako.
Ding!
The elevator doors went open at naunang lumabas si Liam. Dahil mahahaba ang binti nito ay kailangan ko pang bilisan ang paglakad ko para abutan ko sya. Nasa likuran nya ako kaya napagmasdan ko ulit ito. He somewhat feel familliar.
Siguro ay kilala ito ng Shell.
Im not gonna be staying here for long kaya hindi ko na kailangan pang alamin iyon. Isa lang ang goal ko kaya ako nandito ngayon. Makapasok sa White Program na magdadala sa akin sa Oxygen City para mag-aral at hanapin si Yal.
Tumigil kami sa isa sa mga Pinto. May inilabas si Liam na card at inislide iyon sa gilid ng Pinto.
"Eye Identification."
Liam leaned in the door. Halos mapatalon ako ng may puting ilaw or laser, i should say na dumaan sa mata nya. Dalawang beses lang itong dumaan bago nag click ang pinto tanda na nagbukas na ito.
Bihira ako sa ganitong lugar noong Umbra pa ako. Kadalasan ay nasa mga Restaurant ako o nasa school dahil doon gustong pumunta ni Tia.
The cold air greeted me the moment i stepped in. Isinara ni Liam ang pinto bago dumeretso sa loob. My insticts tell me something is odd kaya hindi agad ako pumasok.
Why am i even here in the first place? Pwede naman ako sa rooftop tumuloy!
"I didnt set a trap if that's what you're worried about" Liam said
But i didnt dare to move from where i am.
"Kung gusto mo ng pansamantalang matutuluyan, you need to trust me" he added.
"How can i trust you? I don't even know you" i said
"Yeah" he muttered then sat at his sofa.
"You don't know me because you didnt get the chance to do so" he said.
Lalo lang akong naguluhan dahil sa sinabi nya. Sa inis ko ay naisigaw ko ang kanina ko pang gustong itanong sa kanya.
"Bakit mo ba ako tinulungan?! Sino ka ba?" sigaw ko
"I'm Liam. I'm a Milena Class 4 Hunter. Because i know you. I know that Shell very well"