When i got in, i expected to see a glamorous hospital like o kaya naman ay Lab pero bumungad sa akin ang isang madilim na hallway. Walang masyadong makikita sa loob ng first floor. May mg ailang pinto doon pero sarado lahat at nang pinasok ko naman ito, may mga nakalagay lang do'n na equipment gaya ng X-ray Machine at iba pa.
I looked up at tumagos lang ako papuntang second floor. Medyo maliwanag sa floor na ito dahil may mga pin light na nakakabit sa mga pader kaya nakikita ko nang mas maayos at malinaw ang hallway. Sa dulong pinto ay bumungad agad sa akin ang isang malaking silid.
"Shells" usal ko.
May mga Shell na nandon pero hindi ito ganon karami. Nasa loob ang mga ito ng tube na may usok para mapreserve ang mga ito.
Sa pagkakaakam ko, tatlong palapag ang building na ito at yung 3rd floor ay kapapagawa lang dalawang taon na ang nakakaraan kaya halos kaedad ko lang ito dahil dalawang taon na rin daw akong Umbra ayon sa calculation ni Yal dati. Humakbang ako papalapit sa mga tube pero agad akong napaupo nang tumama ako sa isang bagay. Agad ding naging transparent ito matapos magcause ng ripple ang pagkakabangga ko doon.
"Umbra Proof" malungkot na sabi ko.
Karamihan sa mga Facilities na may mga Shell, ginagawa itong Umbra Proof para hindi makainfiltirate ang mga Umbra at makakuha ng Shell, illegaly. May mga insidente na kasi ng pagnanakaw ng Shell na naitala simula nang madiskubre ng mga Umbra na pwede silang mag bond sa isang Shell kahit hindi magkamatch ang DNA o hindi talaga iyon ang dati nilang Shell.
"Kung naka Umbra proof ang mga ito, saan kumuha ng Shell sina Yal at Tia?" nagtataka kong tanong sa sarili ko.
Napabuntong hininga ako at pinilit alisin ang panghihina ng loob ko. Umakyat na rin ako sa pinaka huling floor. Agad akong namangha ng makita ito. Kulay Blue ang tube light na nakakabit sa kisame ng hallway at may mga pin light sa ibaba para mas makita ang daan. Carpeted din ito.
Walang pinto.
Kita kong ang buga na hangin ng aircon sa floor na ito at kataka-taka iyon dahil ito lang ang floor na nakabukas ang aircon kahit gabi na. Sa dulo ng Floor ay may lilikuan sa kanan at nang makaliko ako doon ay bumungad agad sa akin ang isang Vault Door. Bilog iyon at halos sakupin noon ang malawak na pader. Kulay Silver ito at may bilog ito sa gitna na may handle at may mga numbers na nakaikot dito. May tatlong malalaking bakal ang naka harang na pahalang sa pinto at nakakonekta sa mismong handle ng Vault.
Dahan dahan akong lumapit sa mismong Vault. I raised my hand at halos magtatalon ako sa tuwa ng tumagos ang kamay ko doon. Agad akong pumasok sa loob at bumungad sa akin ang mas malaki pang silid, Maraming transparent cylindrical tube sa loob na may mga lamang Shell pero imbes na malamig na usok lang ang nasa loob no'n para ipreserve ang mga Shell, kulay blue na kilido ang nandon. May mga ilang drip o mga plastic tubes na nakakabit sa likod ng mga Shell.
Isa isa ko iyong nilapitan pero nang tangkain kong hawakan ay nagrepel lang ito tanda na Umbra Proof ito. Nang may makita akong isang Tube na nagflicker ang ilaw, agad ko iyong nilapitan at nang tumagos ako, hindi na kao nagsayang ng oras at hinawakan ko agad ang Shell kahit na lalaki ito. Ilang segundo lang ang lumipas pero agad akong nakaramdam ng matinding sakit kaya napabitaw ako.
Agad na nagkulay red ang kulay ng Tube kaya napalayo ako dito.
Sinubukan kong tumayo at humilig ako sa isang Tube na sigurado akong Umbra Proof para hindi ako matumba. Ilang minuto akong nakatayo doon hanggang sa mawalan na ang hilo ko.
Napaayos ako ng tayo nang makita ko ang Shell na nasa gitna. Hindi kagaya ng ibang Shell na nasa Tube, nakahiga ito sa loob ng salamin. Nakakulay puti itong Dress pero hindi ko maaninaw ang mukha dahil sa usok na nakapalibot dito. Humakbang ako palapit sa salamin na kinalalagyan nito para matingnan ito.
Then suddenly i felt something.
The Warmth.
But, instead of feeling afraid like i always used to, i suddenly felt safe. Like i found a place where i know no one can harm me.
Mabilis ang paghinga ko dahil sa kabang nararamdaman ko. This is one of the rarest instances where i felt something. Where i have emotions.
As my hands go near in the Shell's i suddenly felt an extreme dizziness.
"No! I'm not yet binding" i nervously shouted as i felt the familiar feeling of being bonded with the Shell.
Before i even knew it, the world turns black.
Warm. Blood. Breath.
"A-ah" i struggle in pain as i tried to speak.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa parang binibiyak ito sa sakit. Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa malamig na sahig na nababalutan ng carpet.
Then, the memories flooded.
"Oh my God" i muttered.
"The Shell!" sigaw ko
Bumaling ako para tingnan ang kama kung saan ko huling nakita ang Shell pero wala na ito do'n. Nanlaki ang mata ko at nagsimulang mataranta.
"Bakit nawala?" usal ko