Five

1080 Words
Palutang lutang ako sa rooftop ngayon. If i were alive, i would be walking back and forth just to calm my nerves. Halos hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung paano at bakit nangyari ang nangyari kanina lang. Bago pa magbukas ang pinto ng vault ay bigla na lang akong tumagos! Kaya ginawa ko ang isang bagay na normal na ginagawa ng tao kapag natatakot. Tumakbo ako. Tumakbo ako na parang makikita o mahuhuli nya ako. Hanggang sa makarating na ako dito. I thought my problems were over, but they were just starting to kick in. I feel so stupid. Sinaulo ko ang mga sagot, pero nakalimutan kong alalahanin na kapag ang isang Umbra ay nakakuha na ng bagong Shell, the Umbra will retain the original shell owner's memory. The same reason kung bakit hindi na ako naaalala nina Tia at Yal ngayon! Wala na akong maaalala sa mga sinaulo ko. "Walang kwenta." inis kong sabi. I'm getting irritated and impatient more and more as hours pass by. Ni hindi ko alam kung ano na bang nangyari kay Yal. I don't even know kung nasaan sya. But she have to be alive. She have to be. I sat on th edge of the rooftop, looking into the view i once appreciate. Lalo lang akong nalulungkot pag nakikita ko ang Milena. Naaalala ko lang si Tia. I looked up at Oxygen City. Maliwanag ang ilaw na nanggagaling mismo sa loob niyo na tumatagos naman sa labas dahil gawa ito sa bakal bilang frame at mga transparent na salamin. Kayang kayang ilawan ng dalawang floating city ang buong Milena dahil sa laki at liwanag nito. Inalis ko ang paningin ko sa Oxygen City. "Bakit ba napaka unfair ng mundo?" Mapakla kong tanong na para bang may makakarinig sa akin para sagutin ako. May mga ilang nasa baba, kumakayod araw at gabi para may makain. May mga nasa gitna, nakakaangat ng kaunti, nakakatulog sa malambot na mumurahing kutson, nagbabayad naman sa mga nasa itaas at nagtatrabaho sa kanila para mabuhay. Tumingala ako. Yung mga nasa taas, nakaupo, kumakain ng masasarap na pagkain pero sinasabing naiintindihan nila ang sitwasyon ng ibang tao. Nakakatawa lang dahil kahit nga siguro mga damit nila, hindi sila ang naglalaba pero nasasabi nilang alam nila ang paghihirap ng iba. And then i looked down. Sa mga rooftop, sa mga bakanteng upuan na may mga nakaupong Umbra. If you don't have any direction, any goal, magandang maging ganito. You won't strive to eat because you don't get hungry at all. Hindi ka mamomroblema sa mga kasama mo dahil hindi ka naman nila nakikita. But then, Memories. Emotions. Its what makes people alive. And we lack of it. To be alive, hindi pwedeng humihinga ka lang. You have to fight, to cherish and to love. To feel pain in order to know love. To be in darkness in order to appreciate the light. That is why sa opinyon ko, wala nang pinagkaiba ang mga Umbra sa mga taong may Shell. We appreciate what we have. We fight for it. We cherish it. Unlike them, nabubuhay lang para magtrabaho para umakyat ang estado sa buhay. Somehow, kapag mag-isa na lang ako, nararamdaman ko pa rin ang kulang. I don't really have and identity. I don't know what i believe. I don't even know if i can still appreciate death because the concept is pretty alien to me. I don't even know if i deserve to be a human. Biglang pumasok sa isip ko ang babae sa picture na nakita ko sa vault. "Sino kaya sya?" I asked. I suddenly felt a warm feeling in my chest. It's like we've had a connection. Pakiramdam ko, napakalapit ko sa kanya, She's like an urge for me to move, to strive. Siguro kilala ko sya nung may shell pa ako. Napadako ang tingin ko sa puting building na halos kalapit lang ng restaurant na kinainan nina Tia at Yal bago sila nawala. Sa puting building na iyon din nila nakuha ang shell nila. Tumalon ako mula s tuktok ng rooftop at piniling maglakad kaysa sa lumutang papalapit sa building na iyon. Hindi ko mabilang kung ilan ba ang nabunggo kong tao, pero hindi nila ako nabunggo, bago ako nakarating sa harap ng building. Tumingala ako para tingnan ang punong inupuaan ko dati nang bantayan ko sina Tia at Yal sa pagkuha ng shell. Muli akong nakaramdam ng lungkot. Ilang minuto din akong nakatanga sa harapan ng building bago ko naramdaman ang muling pag-iinit ng kamay ko. Sa sobrang takot ko, pinagpag ko iyon na para bang insektong gumagapang sa braso ko. Kailangan ko ng shell. Huminga ako ng malalim at pumikit saglit. Hindi agad ako nagmulat ng mata at sinubukang kunin sa kung saan ang lahat ng tapang ng loob na meron ako. Para kay Yal. I opened my eyes the same time i muster up my courage. "Kailangan ko ng matalinong Shell" bulong ko. I have always been a great reader. At one look, i can already tell if the person is talkative. I can tell if i person is a leader or just a good follower. I can analyze if that person is dumb or wise. I can read people well, dahil na rin siguro sa tinatagal tagal ko ng palutang lutang at walang ibang ginagawa kundi bantayan at panoorin ang mga Shelled sa Milena. I just really hope i will get one smart shell. As hopeless as this may be, wala na akong iba pang paraan na pwedeng gawin. The future of the plan and Yal's life will al be at the hands of the Shell. Sa isang araw na ang mandatory test sa lahat ng estudyate, mga kabataan at bata para sa White Program. May isang araw pa ako para maghanda kung ngayon ako kukuha ng shell.  All my principles. My beliefs. All of it for the only person that is left to me. The only family i have kahit hindi na nya ako kilala. I inhaled sharply then i shouted as i exhale to push all my nervousness and second thoughts away. "I'm going to get a shell tonight!" I didn't pause to think even just for a second. Pinasok ko agad ang building. I don't know why, but i suddenly stopped after i got in. Papalubog na ang araw sa oras na iyon at dahil ang building na ito ay hindi commercial building, sarado ito at mga pin lights lang sa kisame at sa hallway ang nakailaw. The place, somewhat have this scientist aura pero alam ko na hindi ito hospital. It just seem so different. Hindi ko alam kung may mga guards ba na rumuronda dito dahil ang nakikita ko lang na pumapasok dito ay mga authorized personels at ang anak ni Vice. "Jackson" i muttered. I will soon know what is your part in this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD