Dali-dali akong bumalik ng ospital para tingnan si Tia at para na rin makasigurado. Nang makarating ako sa pintuan nya ay akmang lulusot ako ng may naramdaman akong mainit. Nang sinubukan kong hawakan ang door knob ay napaurong ako dahil sa sobrang init noon. Nalaki ang mata ko dahil baka kung napaano na si Tia sa loob. Lumusot ako sa pinto at nakita si Tia na nakahiga at nakapikit.
Nilapitan ko ito at nagcross sitting position sa tabi nito habang nakalutang.
"Sya ba nag tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya
Ilang minuto ko syang tiningnan pero kumunot ang noo ko ng makita kong nakalaglag ang kanan nyang kamay sa kama. Gusto ko sanang hawakan iyon pra ayusin pero tatagos lang naman ako. Hinaplos ko ang buhok nya kahit hindi ko iyon nararamdaman. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko sya pero agad ring nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng kaba ng mapansin kong hindi tumataas ang ang dibdib nya.
Napatayo ako at akmang lalapitan ang dextrose na nakakabit sa kamay nya ng biglang bumukas ang pinto at bumungad doon ang ina nito. Napatakip ito sa bibig ng makita ang kamay ng anak. Nagtaka naman ako kaya nilapitan ko iyon at kagaya nya, nanghina din ako sa nakita ko.
Ang cord ng makinang tumutulong sa kanyang huminga ay nasa kamay nya. Hugot na ito mula doon sa makina.
Agad na nagsidatingan ang mga doktor at nurses at sinubukan syang irevive pero hindi na sya nagrerespond.
"Masyado nang matagal simula noong hinugot nya ang tube sa makina. Im sorry" sabi ng doktor bago ito umalis sa kwarto.
Nagsimulang umiyak ang ina nito at niyakap ang mga kamay ni Tia habang hinahalikan iyon. Samantalang ako, umasa ako. Umaasa ako na hihiwalay ang Umbra nya pero naghintay ako ng naghintay pero wala, walang Tia na lumabas galing sa shell.
"Hindi" usal ko
"Tia, hindi! Lumabas ka dyan!" iyak ko.
Walang lumalabas na luha sa mata ko pero pakiramdam ko ay binibiyak ang dibdib ko sa sakit. Sinubukan kong hawakan sya pero tumagos lang ako. And there, i lost it.
I floated in the rooftop so fast that i felt like im an air.
"HINDI!!" i screamed at the top of my lungs
"HINDI ANG KAIBIGAN KO!! AHHHH!!"
Nanghihina akong napaupo.
Yung mga araw na minsan naiinis ako sa kakulitan nya. Sa kadaldalan nya at sa sobrang lakas ng boses nya. Kahit saan ako tumingin sa parte ng rooftop na ito, nakikita ko syang nakaupo, nakadapa at lumulutang habang nakasimangot at sinasabihan ako ng kj at masyadong seryoso sa buhay.
"Si Yal" usal ko
"Si Yal na lang ang meron ako at ngayon nawawala pa sya"
Pumikit ako. Nang imulat ko ang mata ko ay malungkot kong tiningnan ang paligid. Hindi naman ganito dati. Walang nawawala at kung may namamatay man, dahil iyon sa sakit na bihirang mangyari dahil maraming equipment na advance na nagagamit sa ospital.
Napatingin ako sa Oxygen.
"Nandoon ang Jackson na tinutukoy ni Tia" sabi ko sa sarili ko
Isa lang ang paraan para makapasok doon. Kailangang makapasok ka sa White Program. Iyon ang program na inimplement ng Council para kumuha ng mga estudyante dito sa baba. May ipinapatake silang test bago ka pumasa at sa pagkakaalam ko, tatlong taon na ang nakakalapias simula ng may pumasa sa test na iyon na isang babae na hanggang ngayon ay nag-aaral pa doon. Medyo kumpyansa ako dahil naniniwala naman akong pwede kong paghandaan ng maigi ang test na iyon dahil maaari akong sumilip sa answer key sa branch ng Council Building dito sa baba bago ako magtest. Pero may isa pang problema.
Kailangan ko ng katawan.
Ibig sabihin, i need to defy my only principle and swear, that i will not steal a shell just to be alive.
Pero i'm more than willing to steal a shell if it means finding Yal, the only person i treated as a family and saving her from whatever harm she is in. I took a deep breath bago tumalon sa pababa sa rooftop papunta sa office ng Council dito sa baba. Nang makarating ako sa harap noon ay hindi na ako nagdalawang isip na tumagos sa mga pader hanggang makita ko sa isang kwarto ang isang vault. Halos kasinglaki ko iyon kaya tumagos lang ako doon.
Medyo masikip sa loob no'n dahil puno ng mga papeles at mga pera, na siguro ay buwis, sa loob. Una kong tiningnan ang mga papeles sa bungad dahil alam kong malapit na naman ang pagtetake ng test para sa white program kaya alam kong nasa bungas lang ang answer key. Napangiti ako ng makita kong nasa ibabaw ang answer key at halos mag 'hallelujah' ako ng makita kong iisang page lamang iyon kaya hindi ko na kailangang buklatin pa iyon na hindi ko naman magagawa dahil tatagos lang ako. Agad ko ring nalaman na ito na nga ito dahil may logo ito ng school sa Oxygen City na kagaya ng nakita ko sa mga bulletin board dito sa Milena.
Fifty items ang test na ito at magkakahalo ang mga subjects. Multiple choice ito at may bilog na red ang mga letter na tamang sagot. Huminga ako ng malalim at sinubukang sauluhin ang unang sampung letra pero bahagya akong nahirapan dahil nalilto ako. Minsan ay nagkakapalit ang mga letter pero pinatay ko ang inis na nagsisimulang umahon sa dibdib ko at huminga ng malalim.
"Kailangang masaulo ko ito" sabi ko
Pumikit ako saglit at nang imulat ko ang mata ko ay nagsimula na ulit akong magsaulo. Laking pasasalamat ko na hindi ako nakakaramdam ng kahit ano gaya ng init at sakit ng ulo. Sa sobrang sikip dito, kung may shell ako ay siguradong kanina pa ako nawalan ng malay. Nagpahinga lang ako saglit at nirecite ko ulit ang kalahati ng answer key. Nang sigurado kong tama ang lahat ay nagsimula na akong sauluhin ang huling labing-limang letra.
Ilang minuto din akong nagpaulit ulit dahil nagkakamali ako bago ko naperfect ang huling twenty-five letters. Laking pasasalamat ko talaga at kahit hindi ko maintindihan ang mga nakasulat sa mga tanong dahil hindi ako marunong bumasa ay narerecognize ko ang mga letters dahil madalas akong isinasama ni Tia noon kapag pumupunta sya sa school dito para makinig at manggaya ng mga nursery ryhmes.
Nalungkot ako ng dahil doon.
Naalala ko na naman sya. At bakit naman hindi? Halos sya palagi ang kasama ko sa limang taon na yon.
I shook my head at pinilit alisin muna saglit ang lungkot dahil sa pagkawala ni Tia. Kailangan kong masaulo itong mga letters na ito dahil hindi naman ako marunong bumasa at isa pa, siguradong mahirap ito dahil ang mga taga dito sa baba na nakakapasok sa White Program ay sadyang sobrang talino sa mura nilang edad.
Nang masaulo ko na ito ay huminga ako ng malalim at dahan dahang ni-recite ang limampung letrang sinaulo ko. Nakapikit ako habang ginagawa ko iyon para hindi ako madistract ng kahit anong bagay sa loob ng vault. Halos magtatalon ako sa tuwa ng magawa kong mairecite ang lahat ng letter ng hindi nagkakamali. Inulit ko pa iyon ng ilan pang beses para masiguro kong saulado ko na talaga.
Nang makuntento ako ay lalabas na sana ako pero napatigil ako ng mapansin ko ang isang picture na isang dangkal ang laki. May nakasulat doon na kung ano. Nagsisimula iyon sa M na sa tanda ko ay parang binaliktad lang na W. May dalawang parang ahas na letra at letter I. Pagkatapos ay letter N at C na may guhit sa gitna kaya alam kong letter G iyon. Tinitigan ko ang babae. Bata pa ito pero halatang maganda. Kulay brown ang mata nito at hanggang balikat ang buhok.
Nakangiti ito habang nakasuot ng kulay puting long sleeve na may logo ng Oxygen Institute na pangalan ng school sa Oxygen City. Napangiti ako bigla, mukha itong manika. Akmang hahawakan ko ang litrato ng biglang bumukas ang pinto.
Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Sinubukan kong tumagos pero nauntog ako sa bakal na vault. Napanganga ako dahil doon. Lumikha ng ingay ang pagkakauntog ko sa bakal.
"May tao ba dyan?" sigaw ng guwardya sa labas.
"Ano ba naman" bulong ko; "Bakit kung kailan hindi kita kailangan saka ka lumalabas" inis na bulong ko
Naramdama ko ang pagpihit ng lock ng vault. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaba ko.
"Ano nang gagawin ko?"