Jackson. Jackson.
"Madaming Jackson sa Milena. Sino sa kanila? Anong kinalaman ng Jackson na yun dito?" takang tanong ko
Pangatlong araw mula ng makakuha sina Tia at Yal ng bagong shell at hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari. Hindi nagkakawrinkles ang mga Umbra pero pakiramdam ko tadtad na ang mukha ko non!
Kagabi lang din ay lumabas na ang balita tungkol sa pangayayari kahapon. Tulala si Tia at ang masama pa ay nawawala pala si Yal. Sigurado akong nakita ni Tia ang nangyari kay Yal dahil magkasama sila kahapon at kung sino man ang may kagagawan ng pagkawala ni Yal ay siguradong meron silang hindi magandang ginawa.
Tiningnan ko si Tia na tulala pa rin hanggang ngayon. Nag-administer na ng pampatulog dito kagabi dahil ayaw nitong matulog.
Iniimbistigahan na rin ng mga Police ang pangyayari at katulong nila ang mga Hunter sa paghuli at pagbabantay tuwing gabi. Police are the legal peacekeepers here in Milena while the Hunters, they are more like military. Kapag nakakahuli sila ng isang wanted sa Milena, sinuswelduhan sila ng Council at kapag may patong pa sa ulo ang nahuli nila, mas malaki ang nakukuha nilang pera. In order to be a Hunter you need to be physically and mentally strong. Ang mga police ay karaniwang nasa opisina at ang mga Hunter ang nasa field.
Lumabas ako ng kwarto ni Tia at dumeretso kay Wiska. Iyon ang pangalan ng A.I Barracks ng mga Hunter. Titingnan ko kung anong meron sa mga Camera noong araw na iyon, particularly noong nalingat ako saglit dahil nauntog ako sa salamin.
Na hindi naman dapat nangyari. Bakit nga ba nangyari yon?
Nakarating ako sa harap ng isang kulay rust at old white na building. Dalawang floor lang ito pero malaki ang lupa nito. Nakita ko ang isa sa mga Hunter na nagtatapat ng ID nito sa scanner para makapasok.
"Hunter Identified. Proceed"
The door opened at nang makapasok ang Hunter ay sumunod na rin ako. Walang Hunter na babae, karamihan kasi sa mga babae dito sa Milena, kung hindi may-asawa na ay busy sa trabaho at halos wala talagang gustong maging Hunter dahil bukod sa delikado ay mahirap ang training na dinadaanan ng mga ito bago makakuha ng Hunter Liscense.
Inilibot ko ang paningin ko. I expected it to be the boring type of office pero hindi. Kulay puti ang dingding at may accent na itim. Nakasabit sa dingding ang mga spear na mahigit isa't kalahating yarda ang haba. May mga Daggers at higit sa lahat, may mga b***l. May dart board sa gitna na may nakatusok na dalawang dar sa bullseye.
May kulay Blue na liquid sa gilid ng b***l at fingerprint operational ito. Sa palagay ko ay tranquilizer o kaya tracker ang liquid na iyon. Wala kasi no'n ang mga b***l na nakasukbit sa holster nila.
Pumasok ako isa isa sa lahat ng kwarto hanggang nakita ko na ang Camera room. Sinugurado kong walang tao sa loob bago ko sinubukang hawakan ang hologram pero tumagos lang ang kamay ko.
Ngayon ko lang yata kinagalitan na tumatagos ako kahit saan!
"Sige na, kelangan ko mag-solidify kahit ngayon lang" bulong ko
Sinubukan ko ulit hawakan ang screen pero tumagos lang ulit ako. Nakasimangot akong napasalampak sa sahig pero nabuhayan din ako agad ng pag-asa ng may pumasok na isang lalaki. Matangkad ito at maputi, kulay brown ang buhok at may hawak ng dart sa kanang kamay.
"Icheck mo yung CCTV. Please" i silently plead
Lumapit ito sa Hologram at umupo sa swivel chair sa harap no'n. Iniadjust nito ang view ng screen sa date kahapon.
"YES!" napasigaw ako at nagtatalon pa
"May tao ba dyan? Lex? Ikaw ba yan?" biglang tanong nung lalaki
Naririnig nya ako? O baka naradaman lang siguro?
Bumalik na ito sa pagkakalikot ng camera pero nang dumaan na ang mga shell nina Tia at Yal sa scope ng camera ay biglang nagkaroon ng glitch sa monitor. Sandali lang iyon at noong bumalik ito, wala na ang dalawa.
"What is this?" usal noong lalaki
"Liam, found anything yet?" tanong ng isang lalaki na sumungaw sa pinto
"Nah. There's a glitch in the camera. Wala akong nakita" sabi ni Liam
"Please, wag kang susuko. I-try mo sa iba" usal ko
Nagclick pa si Liam sa ibang camera pero wala nang nakahagip sa dalawa maliban sa iisang camera na iyon.
"Damn! I need other resources." sabi nito at tumayo na at lumabas ng pinto
Malungkot kong tiningnan ang screen.
"Teka" sabi ko
Inilapit ko ang mukha ko sa screen.
"Alam ko ang lugar na ito" sabi ko
Nang makumpirma ko ang hinala ko ay agad akong pumunta sa lugar. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang Camera sa itaas ng isang building na malapit sa kinatatayuan ko. Ilang metro lang ang layo nito sa...
"Elevator papuntang floating city" i voiced
"Parang kilala ko na kung sinong Jackson ang tinutukoy ni Tia." i muttered and then looked up.