Eighty Two

2562 Words

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Jackson. Halos bumigay ang katawan niya sa dami ng gawain at sa pressure. Nagkakagulo na ngayon sa ibaba dahil sa pangyayari at bagaman at wala namang nangyari o naapektuhan sa Oxygen o Taurum, nagcause naman ito ng panic at takot kaya kailangan din niya itong aksyunan. Napayukyok na lang si Jackson sa lamesa nya. Kahit hindi sabihin ni Heso ay mga tauhan nito ang nasa scene noong pangyayari, idagdag pa na laboratoryo lang naman nito ang nakakapagproduce ng tunog na tanginf nga transfered o operated shell lang ang naapektuhan gaya ng nangyari noon. May mahinang katok sa pinto niya at agad naman niyang sinabihan ng 'pasok' ito. Nang bumukas ang pinto ay sumungaw ang ang Tito Martin niya. Pumasok ito at umupo sa upuan na nasa harap ng lamesa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD