Huminga ng malalim si Jackson. Unti unti nang ibinababa sa terarium ang transparent na lalagyan kung nasaan ang clone ni Ali. Hindi na sya nagabala pang magtanggal ng shades para mas kumbinsido ang ginagawa nila. At the back of his mind, Jackson was silently muttering 'sorry' to Ali. Siguradong kapag narinig nito ang pinaggagawa nya ay mawawalan ito ng pag-asa. Baka akalain nito na tuluyan na nyang sinukuan ang paghahanap sa babae. Napatingin sa kanya ang Tito Martin nya nang marinig nitong suminghot sya. "Are you crying?" bulong nito. Umiling si Jackson kaya bahagyang napatawa ang doktor. "We have something to talk about," seryoso nitong sabi. Hindi man nito sabihin kung ano ito ay sigurado syang tungkol ito sa ginawa nya kahapon. Agad syang napabuntong hininga dahil do'n. Alam ny

