Napangiwi ako.
"Sorry?" alanganin kong sabi.
Hindi ito nagsalita pero tumango lang ito at nagsimula nang maglakad.
"What if someone recognized you?" galit nitong tanong sa akin.
Hindi ako nakasagot agad.
"You have all the time you need and i only asked you to stay this time! Just this day!" sigaw nito sa akin.
"I don't have all the time dahil ang isang araw na magpahinga ako ay hindi ko alam kung hihinga pa si Yal! Hindi ko alam kung buhay pa sya! Naiintindihan mo ba?! Kaya hindi ako pwedeng magpahinga kaya wag mo akong sisisgawan!"
Habol ko ang hininga ako nang matapos akong sumigaw. Halos umiging ang tenga ko sa sobrang galit ko.
But he didn't even flinched.
"You wont be able to find her if you're already dead" malamig nyang sagot sa akin.
"Easy for you to say. Wala kang ginagawa, lahat ng gusto mo inihahain na lang sa harap mo at isusubo mo na lang" mapakla kong sabi.
"Who told you? If i'm not doing anything, you're not gonna be here anymore" sabi nito at lumakad na paalis at iniwan ako.
Nawala ang kunot ng noo ko at nagsimula akong kumalma dahil sa sinabi nya. Pero pinilit kong panatilihin ang galit ko. Bumalik ako sa dorm ko at nahiga sa kama. Ilang minuto pa lang akong nakatitig sa kisame ay agad na nagunahan ang mga luhang tumulo sa mata ko.
Andami dami namang tao at Umbra, bakit kayo pa?
Gusto kong magwala at sumigaw pero pakiramdam ko ay wala na akong lakas para do'n kaya nanatili na lang akong nakahiga.
Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari ito.
Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan lang ako nang may marinig akong kumakatok sa pinto ko. Sa taranta ko ay agad akong bumangon at halos magkanda dulas dulas ako sa pagpunta sa pinto.
"Sin--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pagkabukas ko nang pinto ay bumungad sa akin si Jackson at walang ano ano ay pumasok agad ito sa loob at isinara ang pinto.
"Anong meron?" alala kong tanong.
"You're here" usal nya at hinawakan ako sa balikat.
"Ano?" i asked confusedly asked
Hindi ito nagsalita at bagkus ay lumibot sa dorm ko.
"Ano bang nangyayari?" naguguluhan kong tanong
"They went missing" sagot nya sa akin.
"Sino?"
"Two of the students were confirmed missing. Someone reported that to me yesterday and up until now, the confirmed na hindi pa bumabalik ang dalawa"
Tiningnan ko sya. Lalong lumalim ang mata nito despite of his cool and calm façade. And right now i don't have any idea how much heavy it is for him.
"You" he pointed at me. "Stay here. I'll suspend the classes in monday if they will still be missing by then"
"Maybe bumaba sila?" tanong ko
"That's impossible. No records and besides, hindi sila makakaba dahil wala silang pass cards" paliwanag nya sa akin.
"Where could they have been?" usal ko.
"I don't know. This kind of incident never happened before, this is the first time" he said.
"I have to go" bigla nyang sabi. Akala ko ay aalis na sya papunta sa pinto pero lumapit sya sa akin at niyakap ako.
"I have a bad feeling about this, so stay here. If you feel something odd go to my dorm" bilin nito sa akin.
Napatango na lang ako at hindi ko na namalayan na nakaalis na ito.
"How would i go to his dorm?" nagtataka kong tanong sa sarili ko.
Nagkibit balikat ako at naglakad papunta sa kusina kung saan may bintana at sumilip doon. And suddenly, it just seems to be different. Like a day seems to be more gloomy than any other ones.
Mabilis na lumipas ang araw at hindi ko na nakikita si Jackson dahil napapanood ko ito sa TV dito, na narealize ko na ngayon ko lang pala binuksan. Abala ito halos buong araw ng linggo dahil kasama ito sa naghahanap sa mga nawalang estudyante at ito na din ang nag shoulder nang pagtingin sa mga traceable locations na pinuntahan ng mga nawala pero hanggang ngayon ay wala pa din daw development.
I doubt. Imposibleng walang nakita si Jackson.
Kung may pagkakakilala man ako kay Jackson sa kaunting panahon na magkasama kami ay yun ay hindi nito inilalabas ang papel hanggang hindi buo ang sulat. He was piecing up details. Isa pa, hindi ito mababalita sa ibaba kung hindi ito matalino at sa tulong ng mga officers nang Oxygen Institute na sigurado akong matatalino din ay alam kong may nakikita na sila.
Gabi ng linggo. Nakatutok pa rin ako sa Tv at sakton namang pagbalik ko galing kusina dahil kumuha ako ng pagkain ay interview kay Coleen at Jackson. Kasalukuyang si Coleen ang nagsasalita at walang reaksyon ang nasa tabi nitong si Jackson na may inaasikaso sa tablet nito.
Nang tumunghay si Jackson ay saktong tumunog ang bracelet ko kaya napatingin ako doon at napanganga ako nang makitang may message doon.
Where are you?
"Sino 'to" taka kong tanong.
Agad akong kinabahan kaya tumakbo ako sa main door at inilock iyon bago bumalik sa pagkakaupo sa sofa.
"Who are you" usal ko habang nag tatype
Jackson
Napatingin ako sa Tv. Naka harap na ulit ito.
"Dorm" reply ko sa kanya
Kita kong tumungo si Jackson sa bracelet nito at may pinindot doon bago bumalik nag tingin sa camera.
Stay there.
Hindi na ako nagreply at ibinalik ang tingin sa tv.
"Vice President, what actions are you doing to aid the incident?"
"We're doing everything we can but we don't allow anyone to leak informations we've already gathered" iyon lang ang sinabi nito at nagsimula na itong maglkad papunta sa isa sa mga member ng council ng school at mukhang may ibinibigay itong instruction.
"Coleen! We don't have time for this" sigaw ni Jackson kaya agad na lumayo si Coleen sa camera at nagpaalam na.
Pinatay ko ang Tv.
"I can't just hide here. I need to do something. I f they're searching posibleng makita nila kung nasaan si Yal" usal ko.
I messaged Jackson.
Give me access to the cameras.
Agad naman iyong nagreply.
Why?
Napabuntong hininga ako at naglakad papuntang computer bago nagreply ng 'basta'.
Pagbukas ko nang computer ay agad akong nagpunta sa site na itinuro ni Jackson at inilgay ang password na ibinigay nya.
Agad na bumungad sa akin ang napakaraming Camera na nahahati sa tatlong page dahil sa dami no'n.
"Hitting two birds with one stone" usal ko at nagsimula nang surriin ang lahat ng camera.