Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong nagalaw sa loob ng kwarto ko. Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga at luminga linga sa paligid. Doon ko lang narealize.
Wala nga pala ako sa dorm ko.
Nabungaran ko si Jackson na nakasuot ng kulay sky blue na long sleeves sa kusina.
"San punta mo? tanong ko sa kanya
"Council Visitation day two" sagot nya
Agad akong kinabahan pero pinilit kong hindi ipahalata iyon.
"Go back to your dorm. Your safer there. Here's your new one" sagot nito at iniaabot sa akin ang bagong key card.
"Agad? Kinuha mo na?" gulat kong tanong.
"You can do a lot of things when you wake up early" sagot nito.
Iminustra nya ang pinto at sabay na kaming nag lakad palabas. Hanggang sa elevator ay walang nagsasalita sa amin. Akala ko ay dederetso na sya sa baba pagkatapos na tumigil ng elevator ay sinamahan pa ako nito hanggang sa pinto ng dorm ko. Nang islide ko ang keycard ay nakita ko na lang itong naglalakad na pabalik ng elevator.
"Jackson?" pasigaw kong tawag sa kanya
Tumigil ito sa paglalakad pero hindi ito lumingon.
"Salamat" sabi ko.
Kita kong tumango ito bago naglakad ulit. Pumasok na ako at halos humiga ako sa sahig ng dorm ko.
"Nakakamiss ka rin pala" kausap ko sa mga gamit sa loob ng dorm ko
Pero agad akong naalerto nang maalala ko ang kakaibang naalala ko sa second building. Hindi na ako nagpalit ng pajama dahil wala namang ibang makakakita sa akin at humarap na agad ako sa computer. Nagsearch ako nang tungkol sa mga facility na nasa floor na iyon pero walang swerte dahil walang kahit ano akong nakita.
Napa buntong hininga ako.
Kahit na binilinan ako ni Jackson na wag lalabas ay hindi ako nakatiis. Nandito ako para kay Yal at hindi ako titigil dahil lang sa dumalaw ang mga Councelors dito.
Nagpunta ako sa kwarto at nagpalit ng pinaka maayos kong pang alis at lumabas ng kwarto. Bago pa ako lumabas at isara ang pinto ay chineck ko kung dala ko ba nag keycard ko. Ang nauna kong keycard na naiwan ko sa loob kahapon ay inilagay ko sa ilalim ng mat.
Sumakay ako ng elevator at bumaba sa ground. Nang makababa ako ay sumakay ulit ako sa elevator papunta naman sa fifth floor nang Oxygen Inxtitute kung saan ko nakita ang naiibang bintana.
Nang makarating ako ay madilim doon. Nang magsara ang elevator ay parang naupos lahat ng tapang ko at nagsimula akong mahirapang huminga. Madilim doon at ang kaunting liwanag na tama lang para makaaninaw ako ay tumatagos lang sa blinds na ngayon ay nakababa. Sinubukan kong puntahan ang library pero nakasara iyon. Ganon din ang dalawang laboratory.
Matagal akong nakatayo sa harap nang laboratory na nasa dulo dahil sigurado akong iyon ang may naiibang bintana na nakita ko sa labas.
"Yal" usal ko
Nandito ka ba?
Napaurong ako nang makaramdam ako ng takot na kanina ko pa nararamdaman. Para akong kinakapos ng hininga at malakas ang kabog ng dibdib ko kaya napagdesisyunan ko nang bumaba na.
Nang makalabas ako nang mismong Second Building ay tiningnan ko muli ang bintana pero halos mapaupo ako nang makitang iba na iyon at katulad na ito nang iba pang mga bintana na sliding window type.
"Alam kong hindi ako naduling lang nang makita ko iyon" bulong ko.
"Hija?"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Are you okay?"
Dahan dahan akong lumingon at bumungad sa harap ko ang limang tao na puro naka suit at may pin sa collar kilalang kilala ko.
Council.
"Ali"
Napatingin ako kay Jackson na kararating pa lang. Sa sobrang kaba ko ay hindi ako makapag salita o maka galaw man lang.
"Hija? Are you okay?"
Napatingin ako sa isa sa limang lalaki na nagtatanong sa akin. May katandaan na din ito na sa palagay ko ay matanda lang ng kaunti sa Dad ni Alia. Medyo singkit ang mata nito.
I felt goosebumps all over my body as soon as i saw him at nagsimulang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako doon.
Agad na nagflash ang kaparehong panaginip na lagi kong napapanaginipan.
I felt Jackson's hands wrapped around me.
"Don't worry, ill bring her to the infirmary" sagot nito at akmang aalis na pero pinigil ito nang kaparehong Councelor na nagtatanong kung okay lang ako.
"I'm still asking her Jackson" matigas nitong sabi.
Agad na napatigil si Jackson at ramdam ko ang paghigpit ng hawak nya sa akin.
"Not to disrespect you but i see an emergency here and i am a medicine student" sagot nito
"I am the oldest Councelor. In case youre not yet familiar with me my name is Kila Lee and you should know how to keep your Councelors on your side,Vice President" may pagbabanta nitong sabi.
Wala na ang malambot nitong ekspresyon kanina.
Kila Lee?
Sya yung nabasa kong isa sa nagbibigay ng malaking pera para sa edukasyon dito sa Oxygen Institute kasama ni Heso Yamamoto, kaya kahit sumasakit ang ulo ko ay tumayo ako nang maayos at bumati sa kanya bilang tanda ng paghanga ko.
"Good Morning po" sabi ko
"I don't need anyone on my side because it only take one good leader to do a ten useless apprentices works" maanghang na sagot ni Jackson dito.
Samantalang ang apat na lalaki naman sa likod ay nanatiling walang imik.
Hindi na ako nakapag salita dahil inalalayan na ako ni Jackson paalis.
"Wait"
Napatigil kaming parehas nang biglang mag salita ang isa pang Councelor. Agad akong kinabahan at alam kong ganoon din si Jackson.
"s**t" usal nito
Nakilala nya ba ang Shell?
"You seem familiar to me" sabi nito.
"She's one of the two scholars of he white program" sagot ni Jackson dito.
Isa na lang ang pwede kong gawin para makaalis dito at hindi na maghinala pa ang ibang member ng Council.
Niluwagan ko ang hawak ko sa kamay ni Jackson at hinayaang mahulog ang katawan ko sa fiber glass na syang sahig. Agad naman akong nasalo ni Jackson bago ako bumagsak sa lupa.
Good. Dahil matigas ang fiber glass.
Pinilit kong hindi mag gagalaw nang sarili ko at hinayaan ko lang ang katawan ko na sumunod at pinanatili kong nakapikit ang mga mata ko.
Ramdam ko ang pag angat ko sa lupa tanda na binuhat ako ni Jackson.
"If you will excuse me" sabi nito at nagsimula nang lumakad.
Malayo layo na ang nalakad nito nang ibaba nito ako at tumayo na ako.
"Alam mo?" tumatawa kong tanong.
"Ofcourse, nakikita kong gumagalaw ang mata mo noong buhat kita" sagot nito.
"So, what did i told you again stubborn head?"
I think i need to faint again.