Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.
"I didn't" he said
Tiningnan ko sya.
"Why would i believe you? You have no evidence." sagot ko sa kanya
"Because the truth can walk n***d" he answered
"How do i know you're telling the truth?" i asked him
"You'll know it" sagot nya sa akin at tiningna ako saglit bago nag iwas ulit ng tingin.
"She was yelling my name for help"
I looked at him
"Before one of them passes out, she was yelling my name and the other one was being carried already. When the abductors saw me, they left one of the girls alone" paliwanag nya.
"And i was the one who called the ambulance" dagdag nya.
Tiningnan ko sya. Every nerve in my body is yelling to me to believe him. And i trusted my instincts. And i don't know why.
So my existence here is just for... nothing? Kung hindi sya ang kumuha kay Yal? Ibig sabihin wala ito dito. Sino?
"Kung ganoon, nasa baba sya. At nagsasayang lang ako ng oras di--"
"No" putol nito sa akin
"The abductor is from down, but the one who ordered the a*******n is from up here kaya sigurado akong dito din dinala ang kaibigan mo" sabi nito
"Paano mo alam?!" sigaw ko sa kanya. "Actually, bakit nga ba kita pinaniniwalaan?" sigaw ko.
"I don't know why you believe me. But i'm telling the truth and i would never lose anything whether you believe me or not"
"Then how do you know all of this?!" sigaw ko
"Because of this" he said and then may itinaas syang ID.
"Naiwan ito nang isa sa kanila."
"Ano yan?" tanong ko at lumapit para tingnan iyon.
"Its a temporary pass card. Isang beses lang pwedeng gamitin sa elevator papunta dito."
Natahimik ako. Imbes na kunin sa kanya ang Id ay pinabayaan ko iyon.
I just.. i just feel awful and i don't even know why.
"You shoukd go back to sleep. It's saturday tommorow and you dont have to wake up early. Kung mautulog ka na ngayon, mahaba haba ang magiging tulog mo" sabi nito sa akin.
Tiningnan ko sya.
"Ikaw? Hindi ka pa ba tutulog?" tanong ko
"I don't sleep" he replied.
Nagkibit balikat ako at nagsimula nang maglakad papunta sa elevator. I pressed the hold button expecting him to turn around. But he didnt, so i let go of it.
Pagkalabas ko sa elavator ay kinapa ko na sa jacket ang key card ko para pagkarating ko sa pinto ay bubuksan ko na lang iyon pero nanalaki ang mata ko nang wala akong makapang kahit ano. Nagsimula na akong mag panic.
Tumakbo ako papunta sa pinto ko at sinubukang buksan ang knob noon pero hindi iyon bumukas. Nang pinilit kong alalahanin kung saan pwedeng malaglag iyon ay doon ko lang naalala.
"Hindi ko dinala paglabas" usal ko.
Napatampal ako sa noo ko. Mahina kong inihampas ang ulo ko sa pinto ng dorm ko.
"Tanga" bulong ko sa sarili ko.
Sinubukan ko ulit buksan ang pinto pero hindi talaga iyon natinag at isa lang ang solusyon na pumasok sa isip ko. Tumakbo ako pabalik ng elevator at sumakay papunta ulit sa rooftop.
Pero pagdating ko doon ay wala na doon si Jackson. Nanlulumo akong napaupo sa sahig ng rooftop. Sa tagal kong nakaupo doon ay muntik na akong makatulog kung hindi lang bumukas ang pinto ng elevator.
Agad akong napatingin doon.
"Jackson" usal ko
"Sabi ko na nga ba." he said and then held out his hand to me para tulungan akong tumayo.
Nang makatayo ako ay pinagpagan ko ang pajama ko at sumunod sa kanya papasok ng elevator.
"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.
Hinugot nya nag tablet sa likod ny at ipinakita iyon sa akin. Mula doon ay nag replay ang nangayri kanina sa mismong tapat ng dorm ko.
"Bakit may kuha ka nyan?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"I tapped on your camera" he said
"Tapped? Hinack mo iyon! Bawal iyon sa Privacy Code ng kahit na sinong estudyante!" sigaw ko sa kanya
Hindi ito sumagot pero nakita ko ang pagguhit ng ngisi sa labi nito kaya napapailing akong umiwas ng tingin.
"Saan tayo pupunta?" nagpapanic kong tanong nang makita kong papunta kami sa floor kung nasaan ang dorm ng mga lalaki.
"Hindi mo muna mabubuksan ang pinto mo dahil sigurado akong tulog na si Ms. Paige. Dumaan ka doon bukas dahil may kopya sya ng mga barcode na nasa keycard" sagot nito
"Ang tinatanong ko ay kung saan tayo pupunta?" ulit ko sa tanong ko.
"My dorm"
Nanlaki ang mata ko.
"Seryoso ka ba?!" napasigaw ako sa gulat
"Hindi ba bawal yon?" dagdag ko
"Bakit? May iba ka pa bang matutuluyan? Or would you like to sleep on the rooftop?"
Doon ako natahimik.
Bumukas ang pinto ng elevator at dumeretso agad si Jackson kaya sumunod ako dito.
"Dito ka?" tanong ko sa kanya
"Yeah"
"Walang special treatment?" usisa ko.
Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin.
"Do you see anything special?" bara nito sa akin
Sumimangot ako pero hindi na ako sumagot.
Sa pinakadulong pinto sa hallway sya tumigil at ini slide doon ang keycard nya. Agad na bumukas ang pinto.
Pinauna nya akong pumasok kay agad naman akong pumasok dahil baka may makakita pa sa akin.
Kulay midnight blue at gold ang dominant color sa loob ng dorm nya. Imbes na kung ano anong gamit ang nandoon ay sa tabi mismo ng computer nya ay may malaking shelf ng mga libro. Agad akong lumapit doon para tingnan sana iyon pero lumayo din ako dahil puro pala mga medicine books iyon at mga biology subject books.
"Wala ka bang ibang libro?" tanong ko.
"Wag kang mareklamo"
"Bakit ba ang hilig mong magsungit?" tanong ko sa kanya.
Hindi ito nagsalita bagkus ay nagpunta sa kusina at may mga kinuhang kung ano ano.
"Magluluto ka?" excited kong tanong.
Tumango lang ito. Kahit hindi ako nito pinapa upo sa lamesa ay nagkusa na ako at naupo doon para antayin ang niluluto nito.
"Anong lulutuin mo?" kulit ko sa kanya.
"Buttered Shrimp"
"Ano yun?" tanong ko ulit
"Hinatayin mo na lang" sagot nito.
I rested my head on the table at nang bumango na ang amoy ay hindi na ako nakatiis at lumapit na ako sa kawali. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang niluluto nya.
"Alam ko yan!" sigaw ko
"Nakakakita ako nyan dati dun sa restaurant sa ibaba" dagdag ko pa
Instinctively, akmang hahawakan ko ang hipon nang mahawakan ni Jackson ang kamay ko.
"Hindi mo ba nakikitang umuusok yan? Mainit yan!" singhal nito sa akin.
Napaurong ako.
"Sorry" usal nito.
Hindi ako nagsalita at bumalik na sa lamesa. Ilang minuto pa ay inihain na ni Jackson ang ulam at kanin. Kumuha ako nang maraming hipon at inilagay iyon sa plato ko. Napatigil lang ako nang makita kong may tinatanggal si Jackson sa hipon. Nang marealize siguro nito na tumigil ako ay napatingin ito sa akin.
"Tsk"
Hinawakan nito ang plato ko at pinagpalit sa plato nito na may mga himay na na hipon.
"Salamat" bulong ko
"Kumain ka na"
Tumango ako at nagsimula nang kumain. Nang matapos ay sya na din ang naghugas ng plato kaya ang ending ay nakabantay lang ako sa kanya hanggang sa matapos sya.
"That's the room" turo nito sa nagiisang pinto.
"Saan ka?" alanganin kong tanong.
"I told you, i don't sleep"
Eh?