"Hanggang saan ang latest na naaalala mo?" Napatingin ako kay Jackson nang tanungin nito si Yal. "Nakita kita. Medyo blur pero sure akong ikaw ang nakita namin na papaakyat noon ng elevator." turo nito kay Jackson. So hindi nga talaga ito ang kumuha sa mga ito. Napatampal ako sa noo ko. "Alam mo ba? Kaya ako nagpunta sa taas kasi akala ko sya ang kumuha sa inyo! Sya ang itinuturo ni Tia!" sabi ko. Napatawa naman si Yal. "Baka nga kasi dahil sya ang huli naming nakita kaya gano'n." sagot nito. Sumingit naman si Ninong sa amin saglit para ieksplina ang mga nangyari. "So, your scans results were pretty much very easy to understand. The shell, suffered from amnesia dahil noong injury na natamo mo noong naaksidente ka." paliwanag ni Ninong dito. "So bakit po yung alaala ni Yal ang nak

