"Crossover is basically the technique ice skaters use to move around corners. Coleen? Please" Sir Tyler pointed to Coleen.
Nakasuot din ito nang skating shoes at naka sweater ito na puti at may naka patong na knitted vest na kulay nude at naka bun naman ang kulot nitong buhok. Unconsciously, napahawak ako sa buhok ko na ginupit ko. Umiling ako at umayos na lang ng upo at hindi na ako nag isip pa ng kung ano ano.
Pinanood ko si Coleen na mag crossover. Sa gilid ng ice rink ay nagi skate lang ito at ipinagpapalit ang mga paa nito na gumagawa ng cross sa yelo. Sa tingin ko lang ay mukha itong madali o baka magaling lang talaga si Coleen kaya nagmumukha itong madali.
Nang maipakita ito ni Coleen ay bumalik na ito sa gitna.
"Second one will be, Double Axel. A single Axel contains 1.5 rotations so a double have 2.5." paliwanag ni Sir Tyler.
Nang tingnan ko ang katabi kong babae ay naka skating shoes ito pero nakaupo naman ito kasama ng mga hindi nakasuot nito kaya nagtaka ako.
"Aren't you suppose to be there?" tanong ko sa kanya.
Napatingala ito sa akin.
"Ahmm-"
"I'm Ali" putol ko sa kanya at inilahad ko ang kamay ko.
Kinuha naman nya iyon at kinamay.
"Delia" she said
"I don't know how to skate but i want to. I have a private lessons with Sir Tyler every saturday!" masigla nitong sabi.
Napatango ako.
"Wow. Mahirap ba?" excited kong tanong sa kanya.
"Oo! Grabe hahaha! Madalas din akong nagkakasipon kapag nagtatagal ako sa rink" sabi nito
"Jackson?"
Napatingin kaming parehas kay Sir Tyler nang tawagin nito si Jackson.
Jackson skated for a while and then prepared to jump. He rotated in the air, which i don't know how he did, and then landed perfectly. May tumalsik na ilang yelo mula sa binagsakan nito.
After doing it, he runs his hands through his hair para ayusin iyon.
"So, students from the first line, can someone please try?" nakangiting tanong ni Sir Tyler.
Agad na may lumapit na lalaki at nagpunta sa gitna. Jackson and Coleen then skated papunta kay Sir Tyler giving the male student the space he needs. Madali lang nitong nagawa ang crossovers pero nang magpe prepare na ito para sa double axel ay nawalan ito nang balanse at nagslide papunta sa direksyon ni Coleen. Hindi ito agad napansin ni Coleen dahil kausap nito si Sir Tyler pero maagap si Jackson.
Hinawakan nito sa balikat si Coleen at hinila sya paalis sa pwesto nito, prompting him to replace her.
Nang bumangga ang estudyante kay Jackson ay parehas silang natumba pero nakatayo agad si Jackson at doon ko napansin na nagka pasa ang kamay nito. Nang tingnan ko ang mukha nya ay wala itong kahit anong rekasyon bagkus ay tinulungan pa nitong makatayo ang lalaki.
But what shocked me and almost all of us, imbes na kunin nito ang kamay ni Jackson ay pinili nitong humawak sa railing at doon sumalalay para tumayo pero nadulas muli ito.
Jackson, who is still emotionless skated away from the student habang pinapagpag ang kamay nito na nakitaan ko nang pasa. Lumapit ito sa bag nito at may kinuha doong kulay puting tela na mahaba at ibinalot sa palad nito bago parang walang nangyaring bumalik sa tabi ni Sir Tyler. I hear Coleeen said 'thank you' and Jackson just nodded.
Nang lumingon ito sa direksyon ko ay nakita nitong nakatingin ako sa kamay nito ay itinago nito ang kamay nito at pinagsiklop iyon sa harapan bago nag iwas ng tingin sa akin.
"Second Line. First five, please" Sir Tyler said.
Nanlaki ang mata ko. Tiningnan ko ang linya namin at agad kong binilang kung aabutin ba ako nang bilang at halos mapasimangot ako nang makitang pang apat ako. Agad sana akong makikipag palit kay Delia pero hinawakan nya ako sa braso at excited na nag giggle.
"No way" usal ko.
"Delia, please guide them through the rental skates" Sir Tyler.
Agad namang tumango si Delia at iginiya kami sa mga ice skates na nakalinya sa rack. May mga ilang nadulas sa yelo at ang dahilan kaya hindi ako kasama doon ay mahigpit ang pagkakayakap ni Delia sa braso ko na syang bumabalanse.
Actually, sya ang nagdala sa akin.
Umupo kami sa upuan at tinulungan ako ni Delia na magsuot nang skating shoes.
"You seem very fond of me" sabi ko.
"Yeah. Ngayon lang may bumati sa akin at kumausap" tumatawa nitong sabi.
Nagkibit balikat na lang ako at nang matapos kong isuot at isintas iyon ay tumayo na ako.
Na sana pala ya hindi ko ginawa.
"AH!"
Ang pwet ko! Ang balakang ko!
Napangiwi ako sa sakit.
"Naku! Sorry! Pasensya ka na! Nabitawan kita, akala ko kasi hindi ka pa tatayo!" sigaw ni Delia habang nagpapanic na tiningnan ang katawan ko.
"Okay lang ako" sabi ko sa kanya.
Nang makatayo ako ay humawak ako sa railing na nasa gilid nang rink para makalakad.
I wonder, do Alia know how to skate?
Thankfully, naalalayan kami ng mga nasa first lane para makalakad hanggang sa gitna. Nakalinya kami doon at halos lahat sa lima maliban sa akin at kay Delia ay parang mga uod na hindi mapakali dahilan para ang ilan ay magbagsakan sa yelo. May mga nakaalalay sa amin na mga first lane students sa likuran para tulungan kaming makatayo kung sakali.
Hindi ko rin alam kung bakit nakaka balanse ako kahit papaano at isa lang ang alam kong pwedeng dahilan. Ang sagot sa tanong ko kanina.
Marunong mag skate si Alia.
At kahit hindi ko iyon alam ay komportable ang Shell at may muscle memory ito sa kung paano bumalanse sa yelo.
May ilang tips at example na ibinigay sa amin si Sir Tyler at habang inaalalayan kami ng mga estudyante na nakaantabay sa likuran ay nakasurvive kami hanggang sa matapos ang klase.
I skated to the rack where i can bring the ice skates back. Umupo ako sa upuan at hinubad iyon bago isinuot ang sapatos ko at dahan dahan na naglakad palabas ng rink. Nang tumingin ako sa loob ng rink pagkatapos kong makalabas ay nakita kong nakatitig sa akin si Jackson kahit na kinaausap silang dalawa ni Coleen ni Sir Tyler. He mouthed something but i can't read it so i just decided to walk away.