Thirty Nine

1103 Words
Akala ko ay hindi na kami magkikita ni Jackson pagkatapos ng subject na iyon pero nabuhayan naman ako ng loob--or i don't know what kindo of feeling is that, nang sumakay ako nang elevator at nakita ko syang pasakay din. I pressed the 'hold' button para hindi iyon sumara. Walang imik syang pumasok sa elevator at nang magsara iyon ay agad ko syang tiningnan. Wala nang benda ang kamay nya kaya nakikita ko ang pasa noon. "Ayos ka lang ba?" tanong ko "Yeah" maikli nitong sagot. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko kaya nanatili na lang akong tahimik. Nang maramdaman kong hindi nakatingin sa akin si Jackson ay dahan dahan akong pumaling sa direksyon nya. Halos hanggang ilalim lang ako nang tenga nya. Suot nya pa rin ang itim na knitted sweater na suot nya kanina pero naka rubber shoes na sya ngayon. Mula sa point of view ko ay kitang kita ko ang matangos nitong ilong at tanaw ko rin ang kulay nang mata nito. Almond. Bumaba ang paningin ko sa kamay nito na may pasa. Hindi ko alam kung iniinda ba nito ang sakit pero sigurado akong masakit iyon kahit na hindi pa ako nagkaka pasa dahil hindi iyon magkaka pasa kung hindi nabugbog ang kamay nito. Siguro ay napahampas iyon sa gilid ng rink o baka nasagi iyon nang skating shoes nang estudyante kanina. Iniiwas ko ang tingin ko at pinigilan ang sarili ko na inspeksyunin iyon. Dahil kung gustong pag usapan ni Jackson ang tungkol doon ay nagsabi sana ito.  "What did you said earlier?" bulong ko Tumingin ito sa akin pero hindi ito nagsalita. Bumukas ang Elevator sa floor kung nasaan ang dorm ko. Nang lumabas ako ay humarap ako sa elevator. "I-" "Be careful" he said Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil nagsara na ang pinto nang elevator. Ilang segundo din akong naktitig sa elevator pero hindi na iyon bumukas ulit kaya napagdesisyunan kong bumalik na sa dorm. Nang makapasok ako ay naalala ko ang sinabi nya sa akin sa rooftop. And now, the Council will be keeping their eye on you and i don't know how much time i can make to keep your real identity away from them. "Hindi ko alam kung anong ginagawa nya araw araw pero sigurado akong kasama ang pagprotekta sa akin doon." usal ko. Pero agad din akong nakaramdam ng lungkot nang maalalang hindi ako ang pinoprotektahan nya kundi si Alia. Ang shell ni Alia. Agad akong kumurap para pigilan ang nagbabadyang luha na papatak sana sa mga mata ko. "Why would i cry? Bakit naman nya ako prprotektahan ganoong hindi naman nya ako kaano ano? I don't have anyone to do that for me" sabi ko sa sarili ko. Tiningnan ko ang orasan. Fifteen minutes na lang at mag aalas cinco na. Nagbihis ako nang mabilis at agad na bumaba ulit para pumunta sa third building at kunin ang pinatahi kong sports uniform. Pagkapasok ko sa building ay agad akong nag travel gamit ang bracelet. "Ali Berg" sabi ko sa babae na nasa reception Pumasok ito sa loob at ilang minuto din siguro akong naupo sa loob nang shop nang sabihin nitong kukunin lang nito ang ipinatahi ko. Nang lumabas ito ay may dala na itong puting parihabang paper bag at nang tingnan ko ang loob noon ay may tatlong magkakaibang kulay ang nasa loob ng plastic. Nang macharge ang bayad sa account ko ay naglakad lakad ako sa second floor at nang may makita akong bookstore ay pumasok ako doon. Agad na nakuha nang atensyon ko ang isang kulay blue na hardcover na libro. Tungkol ito sa history ng Milena. Nang buong Milena. Bago pa magkaroon ng Floating City, habang itinatayo ang floating city at mga iba pang detalye. Kinuha ko iyon at tiningnan ang presyo sa likod. 19 merits. Agad ko iyong kinuha at dinala sa cashier. Nang mabayadan ko iyon at maibalot ay napagdesisyunan ko nang umuwi.  Pagkarating ko sa second building ay dumaan muna ako sa cafeteria para kumain nang usula kong kinakain. Hindi na ako nag abalang magmadali dahil nasa loob lang din naman ng second building ang mga dorm dahil kasama ito ng mismong Oxygen Institute. "Usual ulit?" tanong ni Chef Ryan. Tumango ako at ngumiti. "Hindi ka na sad mood?" tanong nito habang tumatawa "Hindi na po" nakangiting sabi ko Dumeretso agad ako sa fridge at kumuha nang maiinom at bumalik na sa lamesa ko, na thankfully ay wala nang ibang nakaupo na nagakalang bakante iyon. Nang iserve ni Chef Ryan ang pagkain ko ay paalis na sana ito nang may maalala akong itatanong ko sa kanya. "Paano nyo po alam na malungkot ako noong nakaraang araw?" tanong ko sa kanya Ngumiti ito bago sumagot. "Kasi may kilala akong laging ganoon ang inoorder nya, at kapag galit sya o malungkot hindi iyon ang kinakain nya" "Bakit daw po?" usisa ko pa "Dahil ayaw daw nyang madungisan ang magiting at paborito nyang pagkain" sabi ni Chef Ryan haban tumatawa. Ngumiti ako at nagpasalamat at bumalik na ito sa Counter kaya nagsimula na akong kumain. Kahit hindi sabihin sa akin ni Chef Ryan kung sino iyon ay kilala ko kung sino ang tinutukoy nya. Si Alia. Nang makakain ako ay bumalik na ako sa kwarto at nagbihis nang pantulog. "Nakalimutan ko nga palang mamili nang mga ibang damit" usal ko. I mentally noted it na bibili ako noon bukas pagkatapos ng klase. Pagkabihis at pagka higa ko ay kinuha ko ang libro sa paper bag at binuksan iyon. Nakakailang page pa lang ako ay andami ko na agad nalaman. Sa mga Building na itinayo, nahuling itinayo ang Second Building but here's the catch. Pagkatapos na pagkatapos magawa iyon ay nawala ang architect na pinaguhit ng Council nang design noon at hanggang ngayon ay hindi pa ito nakikita.  Ang dome naman na nasa gitna ay sunod na itinayo isang taon pagkatapos matapos nang Taurum at sadya pala itong walang pinto o bintana o kahit anomang passage of entrance at walang nabanggit na kahit ano dito. One name caught my attention. One of the Councelors named, Heso Yamamoto. Ito ang nag fund ng pagpapatayo nang Second Building at sa lahat ng member ng Council na syang tumutulong sa President at Vice President na magpatakbo ng Milena, si Councelor Heso Yamamoto lang ang nagbibigay ng malaking fund sa Oxygen Institute o sa Second Building at ito rin ang nagpasa ng batas na hindi pagbibigay ng buong image o blueprint ng mga building para sa proteksyon ng mga Citizens. What a noble man. I thought. Kumuha ako nang isang notebook at inilista doon ang lahat nang natandaan ko para sa kung sakaling hindi ko dala nag  libro ay matitingnan ko pa rin iyon. Nang matapos ako ay pinagpatong ko iyon nang libro at inilagay sa bed side at humiga na. Mayamaya pa ay dinalaw na ako nang antok at nakatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD