Pagkatapos ng nangyaring iyon, nagulat ako nang may dalawa pang lalaki ang nahuling nandadaya. Hindi ko alam kung paano nila nailusot at kung saan nila tinitingnan ang kodigo dahil agad din silang pinalabas.
Medyo banayad ang pakiramdam ko dahil alam kong kumpyansa ang Council na walang nakasilip sa answer key dahil sino nga ba naman ang makakakita non gayong nakalock ito sa loob ng Vault.
May dalawa pang lessons na natitira na sasagutan at dahil binasa ko ang reviewer kagabi, alam kong medyo may kadalian na ang dalawa pang natitira dahil wala itong masyadonv kailangang basahin.
Napatunghay ako mula sa pagsasagot ng marinig kong may umusod na upuan, tanda na may tumayo.
Yung lalaki kanina sa elevator na nakasabay ko rin.
Naglakad ito papunta sa unahan at iniabot ang ballpen sa babae na nagbabantay sa amin. Kinuha iyon ng babae at inilista ang pangalan nito. May mga itinanong pa ito dun sa lalaki pero hindi ko na narinig dahil medyo may kalayuan ang pwestk ko.
Mga ilang minuto lang ang nakalipas at natapos ko na rin ang dalawa pang lessons. I hesitated to stand dahil parang may niloload pa na page ang projector. Nang medyo magtagal ito ay akala ko ay tapos na talaga ang exam kaya tatayo na sana ako pero napaupo ulit ako ng may lumitaw na isa pang page.
Walang masyadong nakasulat doon kundi isang sentece lang na tanong.
"Why would you want to go in Oxygen Institute" mahina kong basa sa tanong.
Kung pwede ko lang sanang isulat na 'dahil may gusto akong sagipin' ay ginawa ko na pero alam ko naman hindi iyon makakatulong. Agad akong nagtaka ng makitang 60% ang participation non sa kabuuang grade.
Ibig sabihin, halos ito din ang magdedetermine ng score at malaki ang contribution nito.
Hindi na rin ako masyadong nabigla, masyadong mahirap ang mismong exam at mahirap ding sagutan ito dahil kailangang makuha mo ang eksaktong opinyon na gusto nilang mabasa.
Matagal akong nakatulala sa monitor at napukaw lang ang atensyon ko nang magsalita ang babae sa harap.
"5 more minutes before the exam is over" she yelled.
I tried to relax my self.
Breath in. Breath out.
Kinuha ko ulit ang ballpen na pansamantala ko munang ibinaba kanina at nagsimulang magsulat. Sa tantya ko naman ay hindi gaanong kahaba ang sinulat ko at hindi din naman ganon kaikli.
Nang tumayo ako para magpasa ay may nakasabay pa akong babae na magpapasa din.
"Name?"
I froze.
"Ali Berg" sagot ko.
Sa tinagal tagal ko sa pagiging Umbra, araw araw ko na yatang naririnig ang apelyidong iyon. Pinaka common kasi iyon dito sa ibaba.
Tumango ito at kinuha ang ballpen ko. Nang maramdaman kong wala na itong itatanong pa, naglakad na ako palabas ng exam room. Bahagya pa akong nagulat ng maramdamang may humawak sa siko ko kaya bahagya akong napakislot.
"Please proceed to the waiting area in ground floor"
Tumango ako sa Bot na sya palang nakabantay sa labas. Sumakay ako ng Elevator at automatic na itong tumigil sa ground floor. Lumabas ako ng elevator at dumeretso sa mga upuan na ngayon ay nakahanay na para sa mga magiintay ng test result.
Umupo ako sa pangatlong row mula sa unahan at mayamaya pa ay sunod sunod nang nagsilabasan ang mga nagtake sa kanya kanyang rooms at ang iba ay sakay pa sa elevator pababa sa ground floor.
May ibat-ibang emosyon ang mababasa sa mukha ng bawat dumarating at umuupo sa waiting area. May ilang tulala, gaya ko, may ilan namang malungkot at mukhang iiyak na. Bihirang bihira lang ang emosyon na mukhang confident.
Napabaling ako sa kaliwa ko at pitong upuan siguro ang layo sa akin ay nandoon ang lalaking kasabay ko kanina sa elavator. Sya din ang naunang nakatapos ng test sa room namin. Walang emosyon ang mukha nito at nakacross ang dalawang braso sa harap ng dibdib nito habang naiinip na nag hihintay.
Limang minuto pa ang lumipas at lahat na kami ay nakaupo. Wala nang lumalabas sa mga rooms tanda na lahat kami ay nandito na sa ground floor. Napatingin kaming lahat ng bumukas ang pinto ng nagiisang silid sa ground floor. Mula doon ay lumabas ang isang sopistikadang babae.
Sobrang ikli ng buhok nito na para na itong pang lalaking gupit, kulay blonde ito. Naka kulay navy blue na skirt at suit at may hawak na tablet sa kanang kamay. Sa likuran nya ay kasunod nya ang mga ilan pang tao kabilang na ang babaeng nagbantay sa amin kanina sa exam room.
Sa likod nila ay may mga lalaking nasuit na may hawak na armas.
"Good day Citizens of Milena. I'm holding today the result of your White Program examination. My name is Paige" she said while holding out the tablet.
Inilibot nya ang paningin nya sa paligid na para bang may hinahanap bago ibinalik ang paningin nya sa tablet.
"All of you" she paused.
I can feel my heartbeat raced. Halos mapaangat ang pwet ko sa upuan.
Kung ang malaking percentage ng test ay nasa mismong exam, kumpyansa ako. Pero hindi ganon ang nangyari.
"For a very long time, this year it will be different."
Nagkaroon ng bulong bulungan sa paligid.
"I will call two names. Once your name is called, please go here in the front. You will be escorted into our hotel while we are processing your papers"
Ako ang isa.
Alam ko. Dahil dinaya ko ang test.
"Mr. Thomas Indiana"
Inilibot ko ang paningin ko. Agad na tumayo ang isang lalaki.
I knew it.
Ang lalaking tumayo ay yung lalaking nakasabay ko sa elevator at yung unang natapos sa exam kanina.
Lumapit sya kay Ms. Paige at kinamayan naman sya nito. Agad syang iginiya ng mga babae papunta sa likuran kasama ng mga kasama nilang lalaki na Security.
"Ms. Ali Berg"
I got deaf for a second. Its like i heard a long defeaning sound right through my ears. Pero agad din iyong nawala ng may tumayong dalawa babae.
Ms. Paige looked at the both of them and raised her eyebrows at them.
"Ali Berg on my room" the lady who guarded our exam room step up and spoke.
Inilibot nya ang paningin nya na para bang hinahanap ako. Bago pa sya makarating sa kinatatayuan ko ay tumayo na ako. Ramdam ko ang maraming mga mata ang nakatitig sa akin.
Hindi agad ako nakagalaw para maglakad. Natauhan lang ako nang makitang pinapalapit ako ni Ms. Paige sa unahan.
Nagsimula akong maglakad papunta sa unahan. Malayo pa ako kay Ms. Paige ay kinuha na nya ang kamay ko at bahagya iyong kinamayan bago ako bahagyang hinila papunta sa nga security kasi ni Thomas.
Walang kahit na anong sinabi pa si Ms. Paige at umalis na ito. Sumunod na rin dito ang mga ibang kasama nya at iginiya kami ng security kasunod nila.
May apat na limousine na nakaparada sa likod ng building. Napalunok ako dahil sa pagkamangha samantalang si Thomas naman ay nanatili lang walang emosyon ang mukha.
Pinasakay kami ng mga security sa pangatlong limo na kasama si Ms. Paige. Kami lang tatlo ang nasa loob.
Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin kami naalis.
Siguro ay may hinihintay pa.
Tahimik lang ako nakatungo ng bahagya habang si Thomas ay naka tingin sa labas ng bintana.
"So!" Ms. Paige started a converstion.
"How'd you do it?" She asked.
"I've been studying that reviewer for almost since i was in 7th grade" Thomas answered.
"Hmm Thomas, seems like everybody is also doing that but, only the two of you passed" she said while plastering a mischievous smile on her lips
Hindi sumagot si Thomas tungkol sa sinabi ni Ms. Paige pero may iba itong sinabi.
"Call me Om. I dont want to be called Thomas" he said bago ibinalik ang paningin sa bintana.
Pumaling naman sa akin si Ms. Paige.
Uh-oh.
"How did you do it, Ali?" she asked
Nandaya?
"Uhmm nagaral?" alanganin kong sagot.
Ngumiti lang ito sa akin bago umayos ng pagkakaupo.
"Clear. We are free to go" rinig kong sabi nito habang nakahawak sa earpiece na nasa kaliwa nitong tenga.
Nagsimula ng umandar ang Limousine at mga ilang minuto lang ang byahe bago kami bumaba sa kulay puti at gold na 24 story building na halos kalapit lang ng elavator papuntang Oxygen City.
Inalalayan kami ng mga security pababa ng sasakyan at inantabayanan kami hanggang sa pagpasok ng hotel. Pinagtitinginan kami ng mga staff pero hindi ko na iyon pinansin.
Dumeretso kami agad sa elevator at pinindot ng staff sa loob ang floor.
23.
"The rooms are opened by Retinal Scans. The lady's room is 23L while the gentleman will be on 23N. We've reset the Scan so the doors will remember yours as its new temporary owners" she explained.
Ilang segundo pa ay nakarating na kami sa 23rd floor. Sabay kaming lumabas ni Om ng elevator. Walang imik syang lumakad papunta sa room nya kaya sumunod naman ako sa kanya. Una naming sinapit ang kwarto nya.
"That's yours" ika nya at itinuro ang pinto na katalat ng sa kanya.
"Sige. Salamat" sabi ko at humakbang papunta sa pinto.
Itinapat ko ang mata ko kagaya ng ginagawa ni Liam sa tuwing papasok sya ng Unit. May kulay blue na line ang tumama sa mata ko ng dalawang beses pero parang wala lang ito. Pagkatapos no'n ay nakarinig na ako ng pag 'click' ng pinto.
Hinawakan ko ang handle at itinulak iyon paloob.
Halos mapanganga ako sa sobrang laki non. Sa tantya ko ay halos kasing laki na ito ng Unit ni Liam at sala pa lang iyon. Sa kanang parte ay nandon ang kusina na may kung ano anong gamit.
Kompleto din iyon at may ref. Agad akong lumapit doon at binuksan iyon. Sari sari ang lamang non gaya ng mga juice at mga karne na hilaw. May mga prutas din doon.
Hos di ako magkamayaw sa pagtingin ng mga laman doon. Nang magsawa ako au nagpunta naman ako sa nagiisang kwarto na meron don.
Literal yatang nalaglag ang panga ko dahil sa itsura non. Pangdalawahan na halos ang laki ng kama at may kulay puti at gold iyon na bed sheet. May apat na poste sa bawaf kanto ng kama at may nakapatong doon na manipis na kulay puting tela
May lamesa na may salamin sa paanan ng kama at may malaking closet. Nilapitan ko iyon at binuksan. Puno iyon ng mga pantulog na may makikintab na tela. Sinilip ko rin ang pinto ng banyo at halos magtatalon ako ng makita kong may malaking tub doon.
Hihiga na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan. Agad akong lumabas ng kwarto para buksan iyon.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang babae na nakapantalon at may dala itong mga tela.
Kinuha ko iyon at nagpasalamat sa kanya. Pumasok ako ulit aa kqarto daladala ang mga damit.
Agad kong siniyasat ang mga iyon isa isa at napagtanto kong mga uniform iyon.
Bubuklatin ko pa sana iyon isaisa pero gustong gusto ko nang humiga at subukan ang kama kaya lumapit ako sa closet daladala ang mga iyon at inilagay muna iyon sa loob pansamantala.
Nang mailagay ko iyon doon at tumalikod ako sa paanan ng kama at idinipa ang kamay ko.
Pinabayaan kong bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama.
Hindi ko na namalayan pa pero nakatulog na pala ako.