Naalimpungatan ako ng bahagya sa pagkakaidlip nang may marinig na naman akong katok. Kinusot kusot ko ang mata ko bago dahan dahang bumangon at naglakad papuntang pinto. Halos magkabangga bangga ang balikat ko sa mga pader dahil sa inaantok pa ako.
Nang makarating ako ng pinto ay binuksan ko iyon.
"Magandang araw" bulong ko at humikab.
Napahilamos ako sa mukha ko.
Sino ba ito?
"Please speak languages i can understand. English, French-"
Napamulat ako nang mata nang marining ko iyon. Nanalalaki ang mga mata kong tiningnan ang bot na nasa harap ko.
"Sierra!" napasigaw ako.
"Are you trying to make a point? Because you're yelling" she said.
"Anon--What are you doing here?" tanong ko sa kanya.
"This is my regular job" sagot nya.
Noon ko lang napansin na iba nga ang uniform na suot nito. May dala din itong tray na may lamang mga pagkain. Napamulaga ako ng makitang apat ang kamay nya.
"Huh?" naguguluhan kong sabi.
Tatlo kasi ang dala nitong tray sa kamay nito.
She's a Bot. Ofcourse she can do that.
Tumabi ako para makapasok sya at madala nya ang pagkain-correction, MGA pagkain sa loob.
Inilapag nya iyon sa lamesa sa kusina at nagpaalam na aalis na. Inihatid ko sya hanggang sa may pinto.
I dont know kung saan nanggaling iyon pero napabuntong hininga na lang ako nang maisara ko ang pinto.
Imagine being a Bot and you have to work and work and still you're still being treated like a creation servant. Like existing only because there is work.
Well, wala din naman iyong halos ipagkaiba sa mga nagtatrabaho dito sa ibaba.
Ipon ng ipon para makarating sa Oxygen City. Sa pagkakaalam ko nga, wala pa namang nakakareach ng Net Worth na itinalaga nila maliban dun sa sadyang mamayaman dito sa ibaba.
Pagkasara ko ng pinto ay bumalik ako sa kusina para tingnan ang mga pagkain. Umuusok pa ang iba doon kaya alam kong talagang niluto iyon kani-kanina lang. Sa unang tray ay nakalagay ang dalawang malaking bowl na may lamang sabaw.
Kulay yellow ang isa doon at may mga ilang gulay at sigurado akong may itlog iyon dahil may mga hibla na puti doon. May mga kulay pula din na strips na nakalagay na mukhang karne. Ang pangalawang bowl naman ay kulay puting soup na may pira-pirasong tinapay sa ibabaw. Nakakita na ako nito dati at kung tama ang pagkakatanda ko ay ito ang Mushroom Soup na sinasabi nila.
Sa tabi ng malaking bowl ay may mangkok na kasing laki ng palad ko na pwedeng pagsalinan ng soup kapag kakainin na. Dalawang piraso iyon kasama ang isang dalawang sandok ng soup at isang kutsara na medyo malalim at malaki ang mismong bilog.
Sa pangalawang tray naman ay tatlong klase ng ulam. Napailing na lang ako dahil wala akong alam kung ano ito. May isang may gulay, pritong parihaba ang isang klase at karne na may sarsa ang isa. Sa isang tray nandon ang tubig at juice, baso, plato. Nando'n din ang kanin at tinapay at mamimili na ang kung alin ang gusto mong kainin.
Kumuha ako ng plato at naglagay ng dalawang apat na tinapay do'n. Naglagay din ako ng tig-iisang sandok ng lahat ng ulam at parehas kong nilagyan ang bowl ng magkaibang soup bago umupo sa lamesa para kumain.
Una kong ininom ang mga soup. Nasarapan ako sa Mushroom soup kaya naglagay pa ako ng isa pa sa bowl at kinain ulit iyon. Nang matapos ako do'n ay bumaling naman ako sa plato ko. Hinimay ko ang mga tinapay at isnawsaw iyon sa sarsa ng karne. Tinusok ko ng tinidor ang karne at nangunot ng noo ko nang madurog iyon. Nagkibit balikat na lang ako at kinuha ang kutsara at sinalok iyon para makain.
Siguro ay mga isang oras din akong kain ng kain kaya nang mapatigil ako, halos hindi na ako makahinga at hindi ko na magalaw ang katawan ko sa bigat no'n.
Pakiramdam ko tumaba ako.
Nang matapos na ako at nakainom na ako ng tubig, hindi ko na pinansin ang juice dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang tiyan ko dahil sa dami ng nakain ko.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakain ng mga pagkain na gano'n kasarap!
Hinakot ko ang mga pinagkainan ko sa lababo at sinimulang maghugas. Itinaob ko ang mga yon sa salamin para matuyo. Nang sa tantya ko ay nakatulo na ang mga ito, hinakot ko iyon isa-isa pabalik sa lamesa. Dala-dala ko ang mga bowl nang sumabit bigla ang paa ko sa paa ng isa sa mga upuan. Sa sobrang gulat ko ay napahiyaw ako at nakalimutan kong may dala akong mga babasagin kaya naidipa ko ang mga kamay ko.
Huli na ng marealize ko na mababasag ang mga iyon dahil narinig ko na ang pagkabasag non nang tumama ang mga ito sa sahig.
Nakangiwi akong umupo at tiningnan ang mga iyon. Manipis lang ang bubog pero halata naman iong mamahalin. May bulaklak pa itong tatak sa ilalim na parte. Dahan dahan kong nilimot ang mga nabasag na parte at sa takot kong baka pagbayarin ako ng Hotel, inilagay ko iyon sa paso na may lamang halaman na nasa tabi ng sofa.
Iniisod ko ang mga plato sa pagitnang parte ng lamesa para kung sakaling mauga man ang lamesa ay hindi iyon mahuhulog at mababasag.
Dahan-dahan akong naglakad pabalik ng kwarto. Hindi muna ako nahiga dahil sa sobrang kabusugan ko, umupo ako sa upuan na nakaharap sa pader na salamin kung saan tanaw ang halos kalhati ng Milena.
Lumipad ang isip ko sa tanong na, bakit hindi ko maalala ang memorya ng Shell na ito at hindi ko nakalimutan ang akin?
At isa pang tanong na gumugulo sa akin ay ang sinabi ni Liam sa akin na nakita nya sa information database tungkol sa Shell. Ang Shell na ito lang ang nasa loob ng Tempered Bed kaya imposibleng hindi ito importante at imposibleng basta lang ito pababayaan na hindi Umbra Proof.
Kung ganon ay bakit tumagos ang kamay ko? Napahilamos ako sa mukha ko. Halos lumaki pa o nadagdagan pa ang problema ko nang malaman ko kung kaninong Shell ito. Ayoko nang madagdagan pa ang responsibilidad ko. Hiniram ko lang naman ito para iligtas si Yal.