Nang mahulawan ako ay babalik na sana ako ng kama pero naisipan kong silipin si Om. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon. Maliit na siwang lang ang iniwan ko. Wala ito sa labas at nakasarado ang pinto ng kwarto nito. Napasimangot ako at isinarado na lang ang pinto ko. Napahawak ako bigla sa tiyan ko.
Siguradong hindi pa ko makakatulog dahil sa sobrang kabusugan ko.
Because people need Oxygen to live.
Napabuntong hininga ako. Iyon ang isinagot ko sa pinakahuling tanong sa exam kanina. Totoo naman iyon. Kahit saan mang banda tingnan, lahat ng tao dito sa ibaba, nabubuhay sila at pinipilit nilang magsurvive sa pag-asang giginhawa din ang buhay nila. At may pangalan ang ginhawang iyon.
"Oxygen City" usal ko.
Kahit masama ang loob ko sa floating city na iyon dahil sa hindi pagkapantay at sa pagiging constant reminder nito sa pagkakaiba ng mga estado sa buhay nang mga tao, hindi naman maipagkakaila na kahit gano'n ay wala namang kasalanan ang mga tao do'n. Nandoon sila dahil mayaman sila. Minsan napapaisip na lang ako kung bakit naging unfair ang mundo pero nasasagot naman iyon palagi kapag naaalala ko ang sinasabi sa akin ni Tia.
Hindi naman unfair ang mundo kung magiging kontento lang ang tao.
Mayroong mga bagay na kayang kayang gawin ang isang tao na hindi kayang gawin ng isa at gano'n ang mechanism ng mundo para mamentain ang balanse.
Nang maramdaman kong humulas na ang busog ko ay bumalik na ako sa kama at natulog.
Napakusot ako sa mata ko dahil sa lamig na nararamdaman ko. Pinilit hanapin ng mga paa ko kung nasaan ang kumot pero nalaglag na yata iyon sa sahig kaya napilitan akong bumangon. Kinuha ko ang makapal na kumot sa sahig at ibinalot iyon. Mukha ko lang ang nakikita habang paika-ika akong naglakad papunta sa control panel nang aircon na nakadikit malapit sa pinto. Pinindot ko nang dalawang beses ang up button para tumaas ang temperature at mabawasan ang lamig.
Babalik na sana ako sa higaan nang makita ko ang closet kung saan ko inilagay ang unform kagabi dahil sobrang antok na ako para buklatin pa iyon. Nang mapakiramdaman ko ang paligid at masigurado kong hindi na gaano kalamig ay inalis ko na ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko at ibinalik iyon sa kama.
Nilapitan ko ang closet at binuksan iyon. Tumambad naman sa akin ang uniform sa eksaktong pwesto kung saan ko ito inilagay bago ako natulog. Kinuha ko iyon at inilatag sa kama.
Una kong kinuha ang suit. Jewel neckline style iyon at halos hanggang ibaba lang ng bewang ko. Kulay white ito at knitted. May dalawang bulsa ito sa magkabila at kulay gold ang lining. Ang Blouse naman ay long sleeves na puti.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong tinamad at ibinagsak ko na lang ang mga damit sa kama at iniwan iyon do'n.
Lumabas ako ng salas at dumeretso sa intercom. Pinindot ko iyon at nagsalita.
"Can i make a request?" tanong ko.
Mayamaya pa ay may dumating nang isang personel ng hotel para tanungin kung ano ang request na gusto ko.
"I would like to see someone, is that possible?"
"Yes, Madame. Whom would you like to see?" nakangiti nitong tanong.
"Liam. Uhh-" i paused.
Hindi ko nga pala alam ang apelyido ni Liam.
"He's a hunter" dagdag ko.
Tumango ito at umalis na.
Bumalik ako sa loob at isinara ang pinto. Babalik na sana ako sa kwarto nang makita kong wala na ang mga pinagkainan ko bago ako natulog. Nanlalaki ang mga mata kong naglakad papunta doon. Halos magkanda takid-takid ako. Wala na ang mga ulam do'n at lahat ng mga plato.
Kinuha na siguro nila?
Agad akong napatingin sa paso kung saan ko inilagay ang mga basag na bowl at nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang nando'n pa ito.
Ibig sabihin ay hindi nila ito nakita o napansin.
Bumalik ako sa sala at naupo sa malambot na sofa. Napansin ko agad ang isang puting kahon na siguro ay dalawang dangkal ang haba. Wala ito dito noong dumating ako kaya posibleng dinala lang ito dito kanina lang o baka noong kinuha nang mga taga-hotel ang pinagkainan ko.
Kinuha ko iyon at mabuti na lang at naalalayan nang isa ko pang kamay ang pinangkuha kong kamay dahil may kabigatan pala ito. May pangalan ko sa harap nang kahon na naka ukit sa kulay puting kahon.
Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang isang holographic tablet na katulad nang kay Liam, pero may bakal ito sa apat na sides na nagsisilbing protector nito.
Sa tabi nang tablet ay nandoon ang isang relo. Imbes na parihaba ang screen nito katulad nang mga government isuued bracelet, square ang screen nito at may kasama itong bakal an hindi ko alam kung para saan.
Sa tingin ko ay ito ang mga ginagamit ng mga estudyante kaya binigyan nila kami ng ganito.
Ibinalik ko iyon sa lalagyan at marahang ibinaba sa lamesa. Napatingin ako sa pinto.
Hindi pa rin masyadong nagsisink in sa akin ang mga pangyayari pero alam kong totoo na ito. Nandito na ako.
Alam ko rin naman simula't sapul na makakapasok ako dahil nga nasaulo ko ang answer key.
Nagbuo na ako ng plano sa isipan ko. Pagdating ko doon ay kailangan ko nang mahanap si Yal pero kailangan ko ng ibayong pag-iingat. Lalo ko syang hindi matutulungan kung nasa kulungan ako. Hindi ko pwedeng sayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin.
Kahit hindi na sya makabalik sa pagiging Umbra nya at kahit manatili na sya sa bago nyang Shell. Basta gusto ko masigurado kong ligtas at buhay sya.
Sa nakita kong katatayuan ni Tia bago sya nagpakamatay sa pamamagitan nang paghugot sa sariling life support nya, alam kong may hindi naging magandang pangyayari. Hindi basta matotrauma nang gano'n lang ang isang tao kung walang strong factor ang nakakapekto dito.
Bigla kong naalala si Om. Sya, sigurado akong isa sya sa bata pa lang ang nangangarap nang makapunta sa Oxygen City at makapag aral doon. Samantalang ako, ni hindi ko alam kung anong tunay kong pangalan.
Pero wala na akong pakialam doon. Ang gusto ko lang ay mailigtas si Yal. Wala naman talaga kong identity, pero hindi ko pwedeng pabayaan ang isa sa mga Umbra na nakasama ko at nagparamdam sa akin kahit papaano na hndi ako Umbra lang na tinatagusan lang ng mga tao.
Pinaramdam nila na nageexist ako.