Twenty One

1035 Words
For the first time since i was alive, i don't like feeling this emotion. It's like i'm hopeless. Nagpunta ako sa banyo para puntahan ang salamin doon. Pinindot ko ang panel para mabuksana ng switch ng ilaw. Sa gilid ng mismong salamin sa harap ng lababo ay may nakadikit doon na control panel kung saan pwedeng i adjust ang size ng salamin. Pinindot ko ang full size. Napaurong ako nang pumasok ang lababo at nagexpand ang salamin. Dahan dahan akong lumapit doon at hinawakan ang repleksyon ko sa salamin. Hindi ko alam kung anong nangyari pero natagpuan ko na lang ang sarili kong may hawak na gunting at sinimulan kong gupitin ang buhok ko.. Umabot iyon nang hanggang itaas nang balikat. Inilapag ko ang gunting at pinispis ang buhok na nalaglag sa sahig gamit ang kamay ko. Nang mahimasmasan ako ay naligo ako at nagbihis ng pantulog na nakalagay sa closet sa hotel. Pahiga na sana ako nang bigla na namang may kumatok sa pinto ko. Kahit medyo naiinis ay bumangon ako dahil alam kong pagkain iyon. Kumakamot ang ulo kong binuksan ang pinto pero agad akong napaurong dahil sa gulat. Sa harap ko ay nandon si Liam at may hawak na tray nang mga pagkain habang nakangiti. Nanlaki ang mata ko at napasigaw ako sa tuwa. Pinapasok ko sya at dumeretso naman sya sa kusina para ilapag ang pagkain. "Pinapunta ka nga nila?" tanong ko "Oo. Nasa duty ako noong sinabi ng Council Office na pumunta daw ako dito" saad nya "Hindi pa kita nako-congratulate." nakangiti nyang sabi.  Hinawakan nya ang ulo ko at ginulo iyon. Bigla ko tuloy naalala si Tia dahil madalas din nya ako asarin na parang magkapatid lang kami. "Ang galing mo ah. Paano mo nagawa yon nang isang gabi lang na nagrereview?" tumatawa nyang tanong. "Hindi naman ako magaling" usal ko. "Ano ka ba, matagal na simula nang may makapasa sa test na iyon. Actually, ang akala lang talaga namin ay si Om lang ang makakapasa. Binabantayan talaga sya ng school dito sa ibaba na makatungtong nang tamang edad para kumuha ng exam dahil nageexcel sya sa lahat" ika nya habang inaayos na ang lamesang pagkakainan. Noon ko lang din napansin na pang dalawahan pala ang mga plato, baso at mga kubyertos na dala nya. "Nagtaka sila kung sino ka pero nagawa na ng council ang trabaho nila. Over protective sila sa mga future Geniuses na mag-aaral sa Milena" tumatawa nyang sabi. Genius. Yun ang mga kinukuha ng Council sa itaas sa pamamagitan ng White Program. Ang pinaka matatalino sa lahat ng matatalino. Mag-aaral doon para doon din mag trabaho para sa gobyerno. "Hindi ako genius" bulong ko. Umupo ako sa katapat na upuan na inupuan ni Liam at nagsimulang sumandok ng pagkain. "Ano bang sinasabi mo?" takang tanong ni Liam. "Umbra ako dati, ano ka ba? Nakalimutan mo na ba? Yung mga estudyante na buong buhay nila na nag aaral para sa White Program pero hindi nakapasok, ako pa kaya na ni hindi ko nga natapos basahin ang reviewer na yon?" sabi ko. Sumubo sya ng ulam at uminom ng juice bago nagsalita. "Anong ibig mong sabihin?"  "Dinaya ko ang exam" nahihiyang bulong ko at tumungo. "Imposible yon" hindi makapaniwalang sabi nya at napatigil sa pagkain. "Nasa Vault ang paper samples ng Exa-" "Oo. Nasa vault din pati ang answer key" putol ko sa kanya. "Tumatagos ang  mga Umbra sa mga pader diba? Kaya nga may mga Umbra Proof na tinatawag diba?" paliwanag ko sa kanya. "S-sinaulo mo? Lahat ng sagot?" utal nyang tanong. Tumango ako. "Huli na nga nang marealize ko na kapag nagkaroon ako ng bagong shell ay makakalimutan ko rin naman iyon. Pero mukhang maswerte ako nang araw na yon" sabi ko. "Wala akong nakikitang swerte.Sa totoo lang, hindi ko gusto na ginamit mo ang Shell na 'yan." pagkondena nya sa akin. "Dahil kilala mo sya?" inis kong tanong. "Hindi," he paused.  "Ayoko lang mapahamak na naman ang Shell na 'yan sa parehong pagkakataon." bulong nya bago umiwas ng tingin. "Ano bang eksaktong nangyari?" tanong ko. "Hindi ko rin alam. Basta ang alam ng lahat patay na sya. Hindi ko alam na tinago pala ni McQuoid ang Shell nya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang may gawa kaya napakadelikado nang sinusuong mo" sermon nya sa akin. "Anong gusto mong gawin ko?! Ibalik ko ang shell na ito at sumuko na lang?!" inis kong sigaw sa kanya. "Bakit mo ba kasi kailangang magnakaw pa ng Shell?!" pabalik nyang sigaw sa akin. Natahimik ako. "Alam ko! Alam ko at alam rin ng lahat na may posisyon ang nagpa- asssinate kay President Grey! At lahat ng may posisyon na may ganoong yaman at impluwensya ay nasa Taurum!" sigaw nya. "Naririnig mo ba ako, Ali?! Nasa Taurum! At doon ka pupunta! Sa Floating City! Ilalapit mo ang Shell na iyan sa kapahamakan!" Hindi ako nakapag salita. "Hindi mo ako maiintindihan" usal ko. "Hindi talaga" matigas nyang sabi. "Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa pero parang napaka tanga naman. Itinago ang Shell na iyan para kung sakaling makukuha ulit ni Alia 'yan. Maibabalik ang alaala nya bilang sya. Mabubuhay ulit sya" malungkot nyang sabi. "Sorry" I don't even know why but i feel my tears pooling on my eyes. Like they're about to explode ang flow. Liam pulled me and hugged me. "Nagaalala lang ako. Mas gugustuhin ko pang makita kang nakayelo at ligtas. Hindi ko alam kung magagawa pa bang iligtas ulit ni McQuoid ang Shell mo kapag napahamak ka" bulong nya habang pina pat nang marahan ang ulo ko. I don't know but there's a sudden rush of emotion run through me. Itinulak ko sya. Fear. "I'm not gonna lose someone again." usal ko. Kumunot ang noo nya. "Ibabalik ko rin ang Shell nya. Pangako. May kaialangan lang akong gawin para bumalik na ang lahat sa normal" sabi ko. Kumunot ang noo nya pero kaht gusto nyang magtanong ay pinili na lang nyang manahimik. "Bukas na daw ang alis nyo" basag nya sa katahimikan. Napatingin ako sa kanya. "Mag- iingat ka, Ali" sabi nya at ngumiti. I nodded and smiled back. "I will. And i promise, ibabalik ko nang ligtas ang Shell nya"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD