Twenty Two

1013 Words
Umalis din kaagad si Liam pagkatapos no'n. Lumipas ng mabilis ang araw dahil wala naman akong ginagawa. Natutulog lang ako at paggising ko naman ay hapon na. Ilang beses ko ring sinubukang silipin si Om pero mukhang hindi ito lumalabas ng room nya. Bumalik ako sa kwarto at humiga sa kama. Kaano ano kaya ni Liam si Alia? Hindi kaya-- may gusto sya kay Alia? Napakibit balikat na lang ako sa isiping iyon. Ayoko naman syang tanungin dahil alam kong personal iyon. Nagayos lang ako at naligo sa banyo bago nagpalit ng pantulog at nahiga na ulit sa kama para sana matulog. Pero sa sobrang kaba siguro na nararamdaman ko, hindi naman ako patulugin no'n. "Ano kayang mangyayari sa akin do'n?" tanong ko sa sarili ko na para bang may sasagot no'n. Bago ko kunin ang Shell na ito, nangako ako sa sarili ko na kahit ikapahamak ko iyon ay ililigtas ko pa rin si Yal sa kung ano mang panganib ang malapit sa kanya, pero ngayon, nangako din ako kay Liam na ibabalik ko ng ligtas ang Shell ni Alia hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko rin alam kung natatakot ba ako para sa Shell na ito o natatakot lang ako para sa sarili ko. Hindi ko man alam kung anong mangyayari sa akin sa Oxygen City, sana lang kayanin ko iyon. Maaga akong nagising. O siguro, hindi naman talaga ako nakatulog ng ayos. Nakakaidlip lang ako pero napapanaginipan ko yung panaginip na tungkol sa lalaking naka suit at kay Yal kaya nagigising din ako saglit pero salamat na lang at nakakaramdam na ako ng pagkapagod. Dahil do'n kahit medyo natatakot ako dahil sa panaginip na iyon, hinihila pa rin ang katawan ko sa pagtulog para makapahinga ito. Siguro ay mga isang oras pagkatapos kong magising ay dinalhan na ako ng pagkain. Naexcite ako dahil narealize kong ngayon lang ako makakain ng matinong agahan. May apat na pirasong pancake at may kasamang syrup at butter. May mga ilang slice ng prutas, mainit na tsokolate, tinapay, bacon at sausages. Halos naubos ko ang pancake at natira ko lang ang isang piraso dahil sa sobrang busog na ako. Pagkatapos kong kumain ay agad na akong naligo dahil sinabihan din ako ng attendant na kakatukin ulit nila ako mayamaya para samahan ako pababa sa lobby ng Hotel. Binilinan nila akong suotin na ang uniform. Simula na kasi ng klase doon 2 weeks na nag nakakalipas. Sadyang nahuhuli lagi ang pagkuha sa White Exams at hindi ko alam kung bakit. Una kong sinuot ang white na long sleeves na blouse ng uniform, may manipis na kulay gold na tali ang nakadikit sa mismong kwelyo ng blouse na sa tantya ko ay isang inches siguro ang luwang o kapal. Nakafixed itong nakatali sa leeg at nakalawit lang ang halos isang dangkal na tira sa pagakkatali nito. May pin din sa kanang bahagi ng sports collar na kwelyo nito.  Sunod kong isinuot ang palda nito na pleated na itim at may lining lang na gold sa ilalim at sinunod ang itsura ng uniform sa magazine na kasama nito. Itinuck in ko ang blouse sa palda. Umaabot lang iyon hanggang ibabaw ng tuhod ko. Hindi ko na isinuot ang blazer o suit ng uniform dahil hindi naman ako nillamig. Yumuko ako at isinuot ang medyas na itim na hanggang binti at ang sapatos na itim na mukhang bagong bago pa. Doon ko napansin ang anklet sa kanang binti ko. Manipis na kulay silver iyon at magaan lang kaya siguro hindi ko rin iyong napapansin. Mukha itong pamilyar pero hindi ko maalala kung saan ko ito nakita. Nang matapos akong magbihis ay kinuha ko sa lamesa sa sala ang kahon kung nasaan ang bracelet at tablet. Hindi ko muna isinuot ang bracelet dahil hindi ko alam kung paano ito isuot at hindi pa rin naman ito pinapasuot sa akin. Ito lang naman ang gamit ko. Naupo ako sa osfa ng ilan pang minuto habang hinihintay na tumawag ang attendant na susundo sa akin. Nainip na ako kaya napagdesisyunan ko nang tumayo at sumilip sa pinto. Sakto namang paglabas ko ay nasa labas na rin si Om at nagaayos ito ng necktie nito. Napatingin ito sa akin at tiningnan ang itsura ko. "Where's your bracelet?" tanong nya "Ha?" "Your bracelet" ulit nito "AH! Andito pa" sabi ko at itinaas ang kahon. "Hindi ako marunong magsuot" sabi ko. "Just put it in your wrist. Kusa na yong magaadjust" suplado nyang sabi. Kulang na lang sabihin nitong tanga ako ah! Sumimangot ako pero ginawa ko ang sinabi nya. Pinatong ko ang relo sa pulsuhan ko at kusa na nga itong humigpit at Nag adjust sa sukat ng pulsuhan ko. Mayamaya pa ay dumating na ang attedan at iginiya kami palabas ng floor. Nang makarating kami sa lobby ay nandoon na si Ms. Paige na nakasuot ng itim na dress at naka stilleto. She looks so composed in her outfit with her hair on a tight bun. She motioned us to come closer to her kaya nagalakad kami ni Om palapit sa kanya. Hinapit nya kami sa bewang at iginiya kami papunta sa Limousine. Nang makasakay kami ay napansin kong iba ito sa nauna kong sinakyan nang dalhin kami sa hotel Ms Paige pressed a button. "Where are we headed to?" "Floating City, Elevator" May pinindot ulit si Ms. Paige at bumaba ang blinds na naghihiwalay sa unahang parte ng limo sa amin. Doon ko lang napansin na automated car ito. Isa ito sa mga inilabas noong isang taon na driver less car. Nakaprogram sa sasakyan ang lahat ng ruta na madadaanan pati na kung gaano kalawak ang mga daan. May mga signaling devices ang iilang private na sasakyan dito sa ibaba kaya kahit puro driver less ay hindi sila magkakabanggaan dahil alam nila ang location ng bawat sasakyan na malapit sa grid nila. Nagsimula nang umandar ang sasakyan. Inalis ko ang tingin ko sa labas ng bintana at humingang malalim bago pumikit. Ilang minuto lang ang binilang bago muling tumigil ang sasakyan. Nang tingan ko kung nasaan na kami ay wala naman akong makita dahil nakababa pala ang mga curtain blinds ng sasakyan. Bumukas ang pinto at naunang lumabas si Ms. Paige at Om. Nang makalabas ako ay napanganga ako. Nandito na kami. "Oxygen Elevator"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD