Nasa harap ko ngayon ang nag-iisang daan papunta kay Yal. Ang nag-iisang daan papunta sa Oxygen City.
Salamin ang pader noon at bakal na halos limang inches ang kapal ang nagsisilbing mga frame noon na napipinturahan naman ng puti. Sa laki ng elevator na yo'n, sa tantya ko ay kasya doon ang halos kalahati ng limo.
Hinapit kami sa bewang ni Ms. Paige at hinila palapit sa kanya.
"This is gonna be your new home" bulong nya at ngumiti sa amin.
I don't have a home.
Hinila ko ang sleeve ng blouse dahil sa bahagyang pagtaas non. Naunang pumasok ang dalawa sa security bago pumasok si Ms. Paige kasabay kami. Agad na nagsara ang salamin na pinto ng elevator.
"Citizens Identified"
Halos mapaupo ako sa gulat nang biglang magsalita ang system sa loob ng elevator. Bahagya pang napatingin at napangiti si Ms. Paige dahil doon.
"Paige Heart"
Tiningnan ko si Ms. Paige. Nakangiti ito.
"Thomas Indiana"
I looked at Om. Wala itong reaksyon pero mababakas naman sa mata nito ang iisang emosyon. Masaya ito.
Siguro ay proud na proud sya sa sarili nya at tuwang tuwa naman ang pamilya nya dahil sa napakalaking bagay na nakamtan nya.
"Alitalia Greyson"
Nabingi ako.
My body went stiff at hindi ako nagtangka man lang huminga pagkatapos kong marinig ang sinabi ng system.
The system recognized the Shell. Ofcourse, Alia was a Citizen here.
Tiningnan ako ni Ms. Paige at tinitigan bago bahagyang umiling. Lumapit sya sa isang button doon at pinindot iyon bago nagsalita.
"System Manual Override. The citizens name is Ali Berg"
"Citizenship already exist"
Napapikit ako.
No. Please, no. I never came this far just to stop because of this. Please. Just-- please.
Tiningnan ko si Om. Nakatingin ito sa akin kaya agad din akong nagbawi ng tingin at tumingin sa ibang direksyon.
Ms. Paige tapped his Bracelet on the panel at nagkulay green iyon.
"Citizen Enrolled. Ali Berg"
Halos himatayin ako ng marinig ko iyon. Ramdam ko ang pagbaba ng mainit na pakiramdam sa katawan ko at noon ko lang rin napansin na hindi na pala ako humihinga kanina pa. Pinagsiklop ko ang nanlalamig kong kamay para hindi mahalata ng sinoman ang panginginig no'n.
Halos nasa kalhati na kami ng taas ng elevator. Tumingin ako sa baba. Umaga ngayon kaya wala ang mga maggandang ilaw sa Milena, pero nandoon pa rin ang mga holographic billboard sa itaas ng mga building nagsisilbing mga advertisement ng kung ano anong bussiness sa ibaba. Tumingin ako sa gilid ko at agad nakita ng mata ko ang rooftop ng building kung saan lagi kaming tumatambay ni Tia, at ni Yal noong hindi pa ito nagkakabarkada ng iba.
Nandito na ako. Malapit na. Konti na lang.
I looked up. Walang kahit anong tali o bakal ang humihila sa elevator. Kung titingnan, para itong lumulutang. Hindi ko alam kung paano nila nagagawa iyon pero sigurado akong katulad din ito nang dahilan kung bakit at paano nakalutang sa ere ang mga Floating City.
I suddenly felt something odd kaya napalingon ako sa paligid.
Pumapasok na kami.
Pumasok ang mismong box ng elevator sa isang tunnel at ilang segundo lang ay tumigil rin ito. Madilim ang paligd kaya wala akong nakikitang malinaw na bagay.
Nang bumukas ang elevator ay tumambad sa amin ang isang malakin hallway. Kulay puti ito at may carpet na kulay blue na nakalatag. Sa sobrang dami ng ilaw, pakiramdam ko ay kahit anino ko ay nahihiyang lumabas.
Naunang lumabas si Ms. Paige at sumunod kami. Sa likod naman namin ay nakasunod ang dalawang security na kasama namin sa elevator kanina.
I inhaled sharply. Marangya ang paligd kahit napakasimple nito. The strange feeling that i felt earlier, i didnt go away.
Maikli lang ang hallway at agad namang tumambad sa amin ang isang double door na pinto. May scanner sa gilid noon.
Ms. Paige put her palms on the scanner and the Doors opened.
Wow. Totoo ba ang lahat ng ito?
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay tumambad agad sa mukha ko ang isang napakaling espasyo. May pitong malalaking tube na may mga LED lights na nagbibigay liwanag. Sa gilid noon ay may mga nakasabit na mga dahon.
May malaking at mahabang lamesa sa gitnang bahagi at may dalawang babaeng Bot doon na nakasuot ng suit na puti at itim.
Nagkalat ang mga sofa at mga lamesa kaya alam kong Lobby pa lang ito.
Nang makapasok kami ay pinatigil kami ni Ms, Paige at pinaharap sa kaliwa namin.
Kung kanina ay kaya ko pang iabsorb ang mga nakita ko ay sa tingin ko, ngayon ay hindi na. Halos mapanganga ako sa nakita ko.
Salamin ang pader ng Lobby kaya kitang kita mula dito ang malawak na Damuhan. May mga halaman doon na perpekktong hinugis bilog. Nagkalat ang mga Bot at may mga bulaklak. Sa gitnang bahagi ay may tatlong magkakasunod na naglalakihang fountain. Sa pinaka kaiwang bahagi ng malawak na lawn o garden, may malaking olympic size na swimming pool at sa gilid noon ay nakatayo ang isang malaki at magara na corinthian style na building na napipinturahan ng puti.
Mukhang may selebrasyon dahil may mga ilang bata na naka formal attire ang natatakbuhan malapit sa pool. May mahaba ding lamesa na puno ng sari saring pagkain gaya ng mga cake at cupcake. May mga naglalakihan ding manok at kung ano ano pa. May mga naka suit na lalaki na may hawak na kopita ng alak ang nag-uusap at may mga ilang magagandang babae ang nakasuot ng bathing suit at nakatubog sa gilid ng pool.
"Let me show you around" Ms Paige said.
Doon lang yata ako nabalik sa mundo. Sumunod ako sa kanilang dalawa ni Om na nauuna na sa paglalakad papunta sa malaking salamin na pinto palabas ng Lobby.
Napatingala pa ako bago lumabas kaya nakita ko ang high ceiling style nang lobby na napapalibutan din pala ng maraming tube light at mga nakalawit na halaman.
Walang mga chandelier pero katulad nga ng nasabi ko kanina, may malalaking bakal na tubo ang may mga nakakabit na tube light at mga modern style na ilaw na syang nagbibigay liwanag sa paligid.
Malamig din ang Lobby dahil sa Aircon na alam kong nakatodo din ang bukas kahit na walang tao.
Kelan kaya huling nakatikim ng alikabok ang lugar na ito?
Yumuko ako para tingnan ang sahig at hindi na ako nagulat ng makitang marmol iyon at sa sobrang kintab noon ay haos makita ko na nag repleksyon ko.
"Ali!"
Napatunghay ako ng tawagin ako ni Ms Paige.
"Andyan na po" sabi ko.
Nang malapit na ako sa pintong nilabasan nila ni Om, kusa itong bumukas dahil sa motion sensor na naka activate dito. Pagkatapak na pagkatapak ko sa d**o ng lawn ay agad akong nakaramdam ng hilo. Nang iangat ko ang paningin ko ay may mga nag flash na mga imahe sa harap ng mata ko kaya napahawak ako sa ulo ko.
"Jackson andaya mo naman! Ambilis mong tumakbo"
"Of course. You said run"
"Pero dapat hinintay mo naman ako"
"Kaya nga ako tumigil diba?"
"Ba't ang sungit mo?"
"Tss"
"Ali? are you alright?"
"A-ansakit ng ulo ko" mahinang daing ko.
Sinubukan kong tumayo pero nakaramdam na naman ako ng pagkahilo kaya napaupo na ako ng tuluyan sa damuhan.
"Give me a hand here! A Doctor!"
"No! Im f-fine. Just give me some time" sabi ko
It's just the Shell's memories.
Ilang segundo akong nakaupo sa damuhan at nanag maramdaman kong maayos na ang pakiramdam ko ay dahan dahan na akong tumayo at tinulungan din naman ako ni Ms. Paige.
"Would you like to rest first? I could send you to the dorm and then i will just tour you when you're feeling better" Ms. Paige suggested.
"No. Im Good" i assure her.
Tumango sya at nagpatuloy na sa paglalakad pero inalalayan nya pa rin ako.
I literally felt my jaw dropped nang makita kong hindi lamang pala lawn ang nakita ko kanina sa loob ng lobby.
Kundi ang buong Oxygen na. Dahil pagliko namin sa kaliwang bahagi kung nasaan ang pool, bumunagad na sa akin ang isang malawak na lugar.
"Oxygen"