Twenty Four

1427 Words
Unlike what i expected, Oxygen City is really an advanced City. Pero hindi ko inakala na makikita ko pa rin ang presence ng nature dito. Kung sa Lawn ay damuhan, pagkabaling mo sa kaliwang bahagi ng pool, bubungad na sayo ang mismong Oxygen City na puro tubig. Kung titingnan lang ito sa ibaba ay malaki ito pero hindi lalaki pa sa Milena. Pero hindi ko alam kung paanong nangyaring ganito ito kalaki ngayon sa harapan ko. I felt my jaw dropped, literally. Tubig ang buong Oxygen City at may mga glass platform na nakalutang sa tubig kung saan pwede kang tumungtong para makalakad.  "Look up" Ms Paige said. When i looked up, agad kong nakita ang mga nakalutang na iba pang maliliit na building at tore. "That is where our Citiznes live. But if you are a student, you are required to board within the Institute premises" May mga pathway na salamin ang maaaring lakaran papunta sa itaas kung nasaan ang mga tore at ilang building. Tiyak akong mayroon. Kung ayaw mo namang maglakad o wala kang private na sasakyan, mayroong cable train na lumilibot at dumadaan sa bawat bahay. Iginiya kami ni Ms. Paige paharap sa mismong gitna ng lugar. Naglakad sya papalapit doon. May apat na naglalakihang building ang magkakatabing nakatayo doon. Sa sobrang laki ng mga iyon, halos kasyang kasya lang sila sa buong lugar kaya siguro ang ibang mga building na nakatayo ay hindi na gano'n kalaki pero mahahalata mong marangya ito dahil sa metal design nito. Ms. Paige motioned us to come closer. Parang wala lang kay Om ang paglakad nya pero kinakahaban pa rin ako. Salamin nag nilalakaran ko ngayon at sa ilalim noon ay tubig na hindi ko alam kung gaano kalalim. Walang makikitang frame ng salamin, puro lang talaga itong salamin kaya mukha itong isang buong babasaging glass na inilatag para maging sahig. Paano kapag nabasag ito? "It won't break, Ali" Ms Paige said while smiling. "The glass is thick enough it won't break even from thick layer of cold or snow or even from fire" she explained "It snows here?" tanong ko. Napatawa sya. "Of course. Though it's not real. It's system generated. But its still a snow!" masaya nyang sabi. Habang naglalakad kami papunta sa unang building simula sa kaliwa, pinilit kong hindi tumingin sa ibaba para hindi ako matakot luminga ako sa paligid at pinagmasdan iyon. Doon ko rin napansin na sa gitna ng apat na building ay may bahagyang nakalutang na isang glass dome na parang nagmukhang bahay ng bubuyog kahit na bilog ito dahil sa ganoon ang design ng frame nito. Pagbaling ko ay naramdaman kong may nakatitig sa akin kaya iginala ko ang paningin ko sa paligid para hanapin iyon. Agad na nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo. Nakasuot ito ng itim na long sleeve polo at nakakrus ang dalawang braso sa dibdib habang walang emosyong nakatingin sa akin. Nakatayo ito sa isa sa mga apat na building at malayo ito sa akin kaya hindi ko masyadong maaninag kung sino ito. Ipiniling ko ang ulo ko at ibinalik ang atensyon sa dome na nasa gitna ng lugar. Hindi ito gaanong nakalutang, siguro ay mga isa o dalawang metro lang ang taas nito. Ang ipinagtataka ko lang ay walang kahit anong daanan papunta doon. Walang elevator, walang hagdan, wala din itong pinto o bintana. "So, this is the first building here. This is our Hospital" Nasa harap ko ngayon ang isang ancient style na building. Corinthian style ang mga poste nito. May apat na nasabing poste ang nasa harap mismo ng building na nagsisilbing design at pundasyon nito. Maraming bintana ang building at imbes na kulay itim ang tint ng mga bintana ay kulay bright blue iyon na nakadagdag sa ganda ng building na napipnturahan ng puti. Iginiya kami ni Ms. Paige papasok sa loob. Bumungad sa akin ang isang malaking escalator pagkapasok pa lang. May tatlong floor ang ospital. Mga opaque na salamin ang pader ng bawat rooms pero may nakalagay naman kung ano ito gaya ng mga gold plated na letterings na nagsasabing ito ang Medicine Stock Room. Surgery Room, Pharmacy at kung ano ano pa. Sa first floor ay halos mga opisina lang ng mga doktor na specialized sa ibat ibang larangan ang makikita.  High Ceiling ang loob at may tatlong naglalakihang Chandelier ang nakasabit at nagbibigay liwanag.  Sa gilid ay nandoon ang mga Bot na hindi pa nagooperate at katabi nila ang mga Automatic Wheelchairs. "This is Wing One" Ms Paige said. "There is a basement solely for Psychiatric Purposes only. The Wing Two is over there" she said and then pointed at my right side. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang isang hallway o parang tulay na nakalutang at nagkokonekta sa isa pang building na may mga silid din. "Wing Two mostly consist of Medical Equipments, Laboratory and such. Doon din madalas ang mga nag-aaral ng Medicine sa Oxygen Institute" May lumapit sa aming isang lalaki na naka suot ng Lab Coat. Naksalamin ito at mukhang nasa 30's pa lang.  "This is Dr. Gin Fereo, the head Surgeon and the Headmaster of Medicine Department" "Good morning" he said and then looked at me "You seem familiar. What's your name?" he asked. "Ali" sagot ko. Nailang ako ng titigan ako nito na para bang sinusuri ako nito. Gwapo ito pero kahit sino naman yata ay hindi komportableng parang ginagawa silang bagong species kung tingnan. Tumango ito at ngumiti bago nagpaalam umalis. Bago pa ito tuluyang makalayo at lumingon ulit ito sa direksyon ko bago naglakad palayo. Namukhaan nya kaya si Alia? Abot abot ang kaba ko kaya naramdaman ko na naman ang panlalamig ng kamay ko. Ms. Paige guided us inside in one of the surgical rooms. Unlike Traditional Surgery rooms, wala itong higaan, wala din itong ilaw na malaki na gaya ng nakikita ko sa ibaba. Tanging isang higaan lang ang nandoon at may control panel iyon sa gilid. Lumapit doon si Ms. Paige. "Authorized Doctors are allowed to operate this Panel. Nandito na lahat. Leukemia Treatment, Defribillation, different types of Surgery and others" Pinakita sa amin ni Ms. Paige ang listahan sa panel ng mga pwedeng iperform na action sa ospital. Pati ang pagbibigay ng Oxygen ay hindi na kagaya ng traditional na inilalagay sa ilong ng pasyente na nangangailangan pa ng Canula. "You will lay down the patient here" Ms paige tapped the white platform beside the panel. "The doctor will select the action needed to be done and this tube" she paused and then pressed the 'Oxygen Distribution' then may lumabas na tube na nakakabit sa ulunan at paanan ng higaan ang umikot sa taas ng higaan pakanan at pakaliwa. May ilaw iyon na kulay Blue. "And it's done" "Is this the same equipment you use for body reconstruction?" tanong ni Om Body Reconstruction? Ngumiti si Ms. Paige. "No. We use different equipement for that." Ms paige opened her tablet and clicked something. "This one" she said and then showed us her tablet. Video iyon. Isang lalaking wasak ang mukha. Punong puno iyon ng dugo at pati kaliwang tenga nya ay hindi ko na makita. I was about to look away but then inihiga sya ng mga kasamahan nyang lalaki na nakasuot ng mga Suit at may Pin ng Oxygen Security Team sa isang higaan na kagaya ng higaan na nandito sa Surgery Room. May pinindot ang kasamahan nya sa panel at sumara ang higaan. May bumalot na makapal na salamin sa buong higaan, unlike sa ipinakita sa amin ni Ms. Paige kanina na isang manipis na tube na may ilaw lang, kitang kita sa camera ang pagbalik ng mga balat, pagkatuyo ng dugo at maging ang kaliwang tenga nito ay wala pang isang minutong na reconstruct. Ipinause ni Ms Paige ang video at pinatay ang tablet nya. "Bakit hindi nyo dalhin ang mga equipment na iyan sa baba?" hindi ko napigilang tanong. Napatingin sa akin si Ms. Paige with an amused look on her face. "We can't. Running this equipment requires so much effort and--" "Money" putol ko sa kanya. Matagal syang hindi nakapag salita "Sadly, yes. This kinds of equipement requires high and constant maintenance" Lumabas na kami ng Surgery Room. Bago kami lumabas sa mismong ospital ay tumigil si Ms. Paige at humarap sa amin. "One last thing. If ever that a non Citizen decided to break through here for medical attention, she or he won't be treated" "What? Why?" "Because all of the equipment here is able to identify someone's Citizenship. They have records on their storage. List of names, all of the Oxygen's Citizen. If someone from Down Milena tried to use them, they won't work and they will alert our Security Bots to arrest them" "That's so selfish" i muttered "That's privellage. Given only to someone who deserve it" Om said. "No. That is a right" i said and then left him to follow Ms. Paige.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD