Sunod kaming dinala ni Ms. Paige sa pangalawang Building. Doon ko nakita ang lalaking kanina na nakatingin sa akin pero nang hanapin ko sya ay wala na ito sa pwesto kung saan ito nakatayo kanina.
"This is Oxygen Institute" she said.
Nang marinig ko iyon ay agad akong naging alerto. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Modern Design ang Building na may apat na palapag. Puro salamin ang building at transparent iyon. Nang makalapit kami sa pinto ay kusa iyong bumukas katulad ng nasa ospital dahil may motion sensor ito.
"May pasok ngayon at lahat ng estudyante ay nasa kani kanilang clasrooms na. You are not forced to attend your class but that is only for today. Your classes will start tommorow.
"Can you see that?" Ms Paige pointed her finger at the big screen hanging right at the center inside the building. May mga pangalang nakasulat doon.
"That is the Semestral Rankings. Every Semester, it would change. Well, unless you're as smart as that name on the top" she said and then looked at the screen.
Jackson McQuoid. The name on the Top. Rank 1.
"He have never been replaced since he became first. And mind you, we rank students from all Strands. Meaning, wether you are good at essays or good at math you will be ranked accordingly. No rankings per strands, always in General."
Naglakad sya papunta sa elevator at pumasok doon. Sumunod kami ni Om sa kanya. Pinindot nya nag 2 indicating floor 2.
"This is where the lower grades stay. You wont be staying here because you will be at Grade 13. That means your classroom will be on 4th floor."
But im 19 already. At least that's what Yal told me before but Tia always told me i look younger than that pero hindi ko naman iyon masangayunan dahil hindi ko nakikita kung anong istura ko.
Napatampal ako sa noo ko.
Oh, Yes! The shell!. Kaedad nga pala ito nina Jackson!
"Always wear you full uniform. Physical subjects will require different sports attire, you can have one tailored for you at the third building right next to this. That is the building for different stores and amenities. We strictly employ 'no PE uniform' so as soon as you got your schedule you have to bring it to the third building to have the sports attire on the sports subject you need to take immediately" Ms. Paige strongly explained.
"The uniform for girls is the same as what you're wearing Ali." Ms. Paige pointed out on me
"Pero paano po ako bukas? Nasuot ko na ang uniform ko?" tanong ko
"You have four other pairs on you closet back on your assigned dorms. Same goes to you, Thomas"
Napangiwi ako. Thomas. Kita ko rin ang pagsasalubong ng kilay ni Om pero pinigilan kong matawa.
"Boy's uniform is black long sleeves, black tie and royal blue vest. At some circumstances, we also required boys to wear black suits." Ms Paige explained.
Hindi na kami dumeretso sa iba pang floor dahil ipinakita lang sa amin ni Ms. Paige ang itsura ng mg classrooms na sa katulad nga ng ineexpect ko ay mga nakaaircon.
Bumaba na ulit kami sa ground floor.
Lumapit sya sa isang pader na may malaking panel na nakadikit at may mga pinindot doon. Inilapit nya ang Bracelet nya sa scanner at may ilan pang bagay na pinindot. Napaurong ako nang biglang gumalawa ang lupa. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko dahil doon. Akma pa lang akong sisisgaw nang lumapit sa akin si Ms. Paige.
"Relax. It's normal" nakangiti nyang sabi.
Umurong kami ng kaunti at halos malaglag ang panga ko nang ang mga marmol na sahig ay kumawang at bumaliktad. Nang magreverse ang sahig ay napalitan iyon nang isang malawak na semento na may mga nakadrawing na lines at may net sa gitna. May ilan pang button na pinindot si Ms. Paige at nagreverse muli ang sahig at naging filed naman iyon na para sa tennis. May pang badminton, basketball at iba pang sports. May mga setting din ito para sa pang intellectual games gaya ng mga board game.
"So, our last stop for this tour-"
"What about the other buildings?" putol ni Om dito.
Ms. Paige looks offended pero hindi ito nagsalita tungkol doon at bagkus ay sinagot lang nito ang tanong ni Om.
"You have to explore it yourself. On the third building, you can find bussinesses and stores. You can purchase everything there. The fourth one is definitely an off limits for students like you. The families of Taurum Workers Citizens reside there. As a student, you are oredered to stay in your dormitories. But after you graduate and if, only if, you are able to get a job here or at Taurum, if you're lucky enough, you are able to stay there or here at any of the Floating City"
Matapos iyong ipaliwanag ni Ms. Paige ay inihatid na nya kami sa mga dorm n tutuluyan namin. Nauna akong inihatid sa dorm ko. Sa gilid likod ng mismong building ng Oxygen Institue ay nandoon ang Dormitories ng mg edtudyante.
Nasa fourth floor ako at Atlas-23 ang pangalan ng room ko. Wala akong ibang kasama doon gaya ng ineexpect ko.
"So, this is your room. We don't allow sharing of dorms for some reasons. Same goes with boys" Ms. Paige said and then looked at Om.
"Go inside" Ms. Paige said.
Pagbukas pa lang nang pinto ay sumampal na agad sa mukha ko ang buga ng aircon. Sa kanang bahagi ay nakalagay ang isang lamesa at upuan. May malaking transparent na salamin doon. Kapag dineretso naman ay may isang set ng sofa na nagsisilbing sala. May TV at center table din na napapagitnaan ng tatlong sofa na nagpo form ng square. Sa bandang dulo ay nandoon ang kusina. Sa kaliwang bahagi naman ay nandoon ang tatlong step na hagdan papunta sa nag-iisang pinto doon na sa palagay ko ay kwarto.
"You spare uniforms are on your closet. Sports uniform is to be made only in the third building. Bring you schedules and the handmaids there will know what uniform is fit for your assigned sports."
"How about the foods? Do we need to buy them at the third building?" tanong ko.
Wala kasi itong nabanggit na kahit ano tungkol doon.
"Yes"
"Paano? Wala akong perang dala--"
"There are merits at your tablet. You can use them to buy anything. You can gain additional merits if you achieved something in the school, or you parents from the Oxygen City or Taurum sent you merits. One merit is equal to thirty pesos. The administration and Council send White Program Students one hundred merits every two weeks, so you don'y have to worry that much" Ms. Paige explained.
Tumango ako.
"Welcome to Oxygen City, Ali"
Naglakad ito palabas ng dorm at inihatid ko sya hanggang sa pinto. Hanggang sa pagsakay ng elevator ay inihatid ko sya. Nang pabalik na ako sa kwarto ay nakarinig ako ng mga yapak kaya napatingin ako sa unahan ko.
Just when i wanted to froze in shock, i yelled at my body not to. Mabilis pero tahimik akong naglakad papunta sa pinto ng dorm ko na alam kong naiwan kong nakabukas.
Diyos ko. Bakit naman sa ganitong paraan ko pa nakita si Jackson! Wala akong mapapagtaguan dito!
Nang malapit na ako sa pinto ay tumunghay ako ng bahagya at nakita kong nakatingin sa akin ang kasama nitong lalaki na nakauniform din. May sinabi ito kay Jackson pero hindi ko na alam kung ano iyon dahil nang makita kong lilingon ito ay inisang hakbang ko na ang pagitan ko at ng pintuan ng dorm ko at ibinagsak pasara iyon.