Twenty Six

1549 Words
Para akong hinabol ng kabayo sa sobrang bilis at lalim ng paghinga ko. Nakasandal ako sa pintuan ng kwarto ko at hindi ko maigalaw ang mga paa ko para man lang kahit lumayo sa pinto at maglakad paloob. Nakita kaya nya ako? Hindi. Sana hindi. Pinilit kong isipin na hindi nya ako nakita dahil nakapasok at naisara ko naman ang pintuan bago sya lumingon sa direksyon ko. Hindi ko alam kung anong sinabi noong lalaking kasama nya kaya sya napalingon sa direksyon kung nasaan ang kwarto ko. Pero sigurado akong hindi iyon dahil nakilala nya nag Shell ni Ali. Tama ang sinabi ni Liam, imposible na iyon dahil nagbago at nagmature na ang Shell hindi katulad ng mga ibang naka hibernate o naka preserve na shell na tumitigil ang progress ng katawan. Lumapit ako sa mga monitor sa isang sulok ng sala ng kwarto ko.  "Open Systems" i commanded the computer. "Systems Opened. What would you like to do? Would you like to stay in voice command or use a keyboard?" tanong ng computer sa akin. Hindi ko sigurado ang safety ng kwarto dahil wala namang nabanggit si Ms. Paige kung sound proof ito o hindi, besides hindi din ako nakakasigurado kung may camera o sound recorder o bug bang nakalagay sa loob. I can't take any chances. "I would like to use a keyboard" i said. Naupo na ako sa harap ng Computer. Actually, kapag nakapatay ang computer katulad nang makita ko ito kanina weird ito dahil para lang akongnakaharap sa mga makakapal na transparent na bubog. Nagrereflect lang ang mismong screen sa mga salamin na parang projector kapag buhay na ito. Hindi din ako masyadong sanay sa itsura nito dahil hindi kagaya ng mga nakkikita kong computer sa schools sa ibaba na normal na computers lang bagama't masasabing advanced din, kulay royal blue ang mga fonts na makikita sa screen. "I am allowed to search information about someone?" i asked "Yes, but we won't be giving any private informations nevertheless if you are only loooking for basics, we would gladly help you" Imbes na magsalita ay itinype ko na lang ang pangalan nang taong gusto kong malaman ang mga impormasyon. Jackson McQuoid. Nakailang ulit pa ako ng pagtatype dahil hindi ko masyadong maaninaw ang mga letters na nakaproject sa salamin na nagsisilbing keyboard bago ko naitype ng maayos at tama ang spelling ng pangalan ni Jackson. "Would you like the system to read the information for you?" "No!" napasigaw ako at napalinga sa paligid. "I would just read it on the screen." Jackson McQuoid. 20.  Taking Medicine and Biochemical Engineering. Next in line for Vice Presidency of Milena. OI Senior Council President. "Yun na yo'n?" usal ko Napabuntong hininga ako. Basics. Basic na basic nga naman ang mga ito. Akmang papatayin ko na nag computer ng magsalita ito na sya namang ikinagulat ko. "What would you like to call me?" "I have to name a computer?" gulat na ulit ko sa tanong nya. "Yes. My last name was Weis. Would you like to name me a new one?" tanong nito. Napatigil ako. "Tia" i said. "Is the name something special? What yours?" tanong ng Computer. "My name is Ali. That name is a constant reminder to where i really belong. To who i am" "Great!" walang buhay na sagot ng system. " Would you like to do another things?" tanong nito. Nagreset ng kusa ang mga naisearch ko tungkol kay Jackson at nagbukas ulit si Tia-na computer, ng bagong window. "Can you please erase my recent search?" i asked her "Yes! Of course. " tumahimik ito saglit bago nagsalita ulit. "History erased" "Give me information about the late President of Milena and his daughter" i commanded her "Searching data and gathering" "All the result are below" Lumapit ako sa screen at nagsimulang basahin ang mga information. Una kong binasa ang nakalatag na info tungkol kay Alia. "Medicine" She's taking medicine when she was assasinated. Magdodoktor sya. The same dream i have kung may utak lang ako. Napatawa ako sa isiping iyon. I never really kniw if im smart or not. Wala akong kahit anong naalala gaya ng ibang mga Umbra. May ilang mga Picture doon. Kadaasan ay mga solo picture at full body picture na naka uniform. Nakapukaw lang ng atensyon ko ang dalawang nahuhuling picture sa dulo. Kasama ni Alia ang isang lalaking nasa 50's siguro. Nakakulay puti syang dress at flat shoes at nakapuyod ang brown nitong buhok. Sa tabi nito ay ang lalaking akam kong si President Greyson. His dad. Nakakulay khaki itong suit at nakangiti sa camera. Malayo ito sa naimagine kon strikto at palaging seryosong tao. Umangat ang kamay ko at hinawakan ang screen. "This is the last President of Milena, President Gregory Greyson. Beside him is his late daughter Alitalia Greyson." I touched the man's face. I have no father, or at least i don't know him, but i don't know about the pain of having your father for a little while and then he's just gone. "The President's position is vacant eversince the assassination. On the last will of President Greyson, he stated that only a certain person who meet he requirement get to inherit the position. Unfortunately--" I shut Tia down.  It's not unfortunate for some people. Tumayo ako at pumasok na sa loob ng kwarto. Nabungaran ko agad doon ang isang  box na itim na hindi naman ganoon kalaki. Nang buksan ko ito ay may memory chip sa loob. Kinuha ko ang tablet at ipinalsak iyon. Lumabas sa screen ang schedule ko. Napasimangot ako nang makitang tatlong sport ang nasa physical subject category ko. Ang isa noon ay pang lunes ang isa ay pang martes at isa sa huwebes. Badminton. Chess. Figure Skating. Napanganga ako.  "Naririnig ko lang ang badminton pero hindi ako marunong no'n. At lalong hindi ako marunong ng Chess? ANo itong figure skating?" pasigaw kong tanong. Anong klaseng school ba 'to?! Lumabas ako ng kwarto at binuksan si Tia-na computer. "What is figure skating?" "Figure skating is a sport, it can be performed solo or with a pair on ice with graceful movements and jumps. In the yearly Oxygen Olympics, it is the fist ice sport to be included" Ice. "Can you search some videos of it?" "Processing" Nang lumabas ang mga results ay pinindot ko agad ang naunang video sa pinakaitaas ng listahan. Nakakailang minuto pa lang ako ay halos mahulog na ako sa upuan. "This is not possible" i said. My mouth was hanging open the whole time until the video ended. Binuksan ko ang tablet para tingnan ulit ang schedule ko. May nakalagay na asterisk sa ilalim ng figure skating na syang nakaasign sa martes.  You can attend the class without your tights and skates but bring a sweater and gloves. "Saan naman ako pupunta? Wala akong nakitang ice rink?" paiyak kong tanong. Napahawak ako sa noo ko nang magsimula iyong sumakit. Hindi kagaya ng Figure Skating, may mga room number akong pwedeng hanapin para sa ibang subjects kaya bahagyang nabawasan ang pagkai stress ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto at tiningnan ang loob ng closet. Gaya nga ng sabi ni Ms. Paige ay nandoon ang mga spare o extrang  uniforms at sa ibaba ng mga naka hanger na damit ay may bag na kulay beige. Simple lang iyon at may maliit na zipper sa unahan at isa sa mismong compartment. Sa loob ng mismong compartment ng bag ay may mga papel at pansulat gaya ng ballpen. Bukod doon ay wala na. Katabi naman ng bag ay ang isang pares ng sapatos. Flat shoes iyon na kulay itim at may strap. Ibinalik ko ang bag sa loob at pumwesto sa paanan ng kama at kusang nagpatumba pabagsak sa kama. I don't know where to start. And i'm afraid of that. That i won't have enough time o baka hindi ko makita si Yal. Ni hindi ko nga alam kung nasaan sya. Paano kapag hindi ko sya nakita? Paano kapag napasubo na ako dito pero wala na pala sya? Paano kapag nakita na ako ni Jackson? Anong gagawin ko? Naalala ko ang pagkakarecognize sa akin ng Elevator. Imposibleng hindi ako marecognize ng ibang mga daanan dito na kailangan ng biometrics. At kung sakaling marecognize man nila ako, bilang si Alia sigurado akong magkakagulo at manganganib ang Shell na sya namang magiging dahilan ng pagbasag ko sa pangako ko kay Liam, na hindi ko pwedeng gawin dahil alam ko rin sa sarili ko na hiniram ko lang ang Shell na ito. Hindi ito sa akin. Alam ng lahat ang pagkamatay ni Alia, kaya malalaman din nilang hindi si Alia ang consciousness na nasa loob ng Shell kahit na akalain nilang nakuha ko ang alaala ni Alia. Naalala ko ang sinabi ni Liam. Nasa taas din ang nagpaassassinate sa Dad ni Alia at sa kanya kasama ang ilan sa mga trabahador nito at malaki ang hinala nya na nasa Taurum ito dahil may kapangyarihan ito. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung paano nakakapunta sa Taurum dahil wala itong Elevator gaya ng Oxyen City kaya sigurado akong sa Oxygen City ang daanan papasok doon. At hanggang walang nakakakilala sa akin, imposible ding makilala ng taga Taurum na iyon ang Shell. Until then, i'm safe. And i can still do my best to find Yal.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD