Twenty Seven

1160 Words
Hindi ako nakatulog.  Nang mahiga ako kagabi, bumangon ako para uminom ng tubig at hindi na ako nakabalik sa higaan. Nagpunta ako sa sala at binuksan ang TV. Kinalikot ko rin ang mga laman ng drawer at ilang bookshelf sa sala. May nakuha akong medyo nakapukaw ng interes ko at kinilik ko iyon. Pinakialaman ko ang table na bigay ni Ms. Paige na kasama ng bracelet at tiningna ko kung may pera nga ba doon. Tinitigan ko rin ng ilang minuto ang lamang ng ref. Uminom ako ng gatas, kumain ng cake at kumain ng apple. Pagkatapos noon ay tiningnan ko ulit ang schedule ko at isinukat isa- isa ang lahat ng uniform kahit pareparehas naman iyon. Isinuot ko rin ang black shoes at nagalakad ulit ako sa loob ng dorm ng hindi iyon hinuhubad. Binuksan ko din ang pinto at sinilip ang hallway. At higit sa lahat, apat na oras yata akong nakatitig sa computer bago ako bumalik sa higaan at nahiga.  Nakaidlip lang ako ng halos dalawang minuto pero dahil mababaw lang ang tulog ko ay nagising din ako. Nakaidlip ulit ako ten minutes bago tumunog ang alarm na isinet ko kagabi.  Sa totoo lang, natatakot ako dahil hindi ako nakatulog. Ramdam ko rin ang bahagyang panginginig ng kamay ko at pagsakit ng ulo ko pero hindi ko iyon inalintana. Wala din naman akong magagawa dahil hindi talaga ako makatulog ng ayos kagabi. Kumain ako ng pancake na ininit ko sa kawali dahil hindi pa rin ako marunong gumamit ng oven, ni hindi ko ng alam kung pwede ba iyong ilagay sa oven. Nagpakasawa ako sa maple syrup bago napagdesisyunang maligo. "Mas marami ang mga bote ng panligo dito kaysa sa banyo ni Liam" usal ko. Unfair. Dahil lang sa exam na iyon, tinatamasa ko ang mga pribelehiyong pinagpapawisan ng iba. Dinaya ko pa. Napabuntong hininga ako at pumailalim na sa shower at naligo. Nang matapos ako ay nagbihis na ako ng Uniform. Kinuha ko ang nakita kong bag sa closet at inilagay doon ang tablet kasama ng mga gamit na nandoon na talaga. Tiningnan ko ang orasan. May kalhating oras pa ako bago magsimula ang klase ko. Lumabas ako ng kwarto at  dumaan kay Tia - na computer. "When i got home, can you please remind me to search on how to use Oven?" sabi ko "Alarm to search on how to use the oven is set." wika nito "It's my first day! Wish me luck!" i said as if the computer would really understand my emotions. "Go thrive for your future!" sagot nito sa akin kaya bahagya akong napangiti. I don't have a mother to tell me that. And i don't have the father who will work hard o give me my allowance and bid me goodbye. "Atleast i have you" usal ko. "For now" Inayos ko ang pagkakasakbit ng bag at akmang lalabas na ng pinto nang maalala ko ang key card kaya napatakbo ako sa kwarto para kunin iyon. Inilagay ko iyon sa bulsa ng palda ko at bumaba na ulit papunta sa pinto. Nang makalabas ako ay nagsimula ko nang lakarin ang pagitan ng dorm ko at ng elevator. Napatigil ako saglit nang makitang nasa mismong gilid ng Elevator si Om at nakakrus ang kamay nito sa dibdib habang nakasandal sa pader. Napataas saglit ang kilay ko pero nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa harap ng elevator ay hindi ako nagtangkang magsalita o kausain sya at agad kong pinindot ang open. Agad namang nagbukas ng pinto ng elevator kaya nakahinga ako nang maluwag at pumasok na. Pero agad ding nawala ang ngiti ko nang makitang pumasok din si Om sa loob. "Hinintay mo ba ako?" matapang na tanong ko. "Yes. You might get lost. I don't know how you passed the test, but you don't look like you're smart" hambog na sagot nito at hindi man lang ako tiningnan. "But you dont look like you're smart" panggagaya ko sa kanya at dumila pa ako ng palihim "I can see your reflection" Agad na umurong ang dila ko. Hindi na ako nagsalita hanggang sa magbukas na ang elevator sa ground floor. Agad akong naglakad papunta sa isa sa mga elevator na maghahatid sa akin sa floor kung nasaan ang klase ko. Sigurado akong hindi kami magkaklase ni Om dahil ang alam ko ay Mechanical Engineering ang kinukuha nito kaya iba ang mga subjects nito. Ako naman ay nag General Academics ang kinuha dahil una, iyon ang isa sa pinaka matagal. Anim na taon iyon dahil lahat ay pinag-aaralan. Matagal na rin simula ng iimplement ang course na iyon ng Council. Pangalawa, dahil maraming subjects, magpapalipat lipat din ako ng clasrooms at makakalibot ako sa Building para hanapin si Yal. Dumating ako sa clasroom ng una kong subject at may dalawa nang tao doon na parehas babae. Nag-uusap ang mga ito pero napatigil ng makita ako. Pilit akong ngumiti dahil sa panlalamig ng kamay ko dahil sa kaba at idagdag mo pa na sa sobrang tahimik ng kwarto ay naririnig ko ang pagbuga ng malamig na hangin ng Aircon. Wala silang naging reaksyon at bumalik lang ang mga ito sa pag-uusap. Nakasalamin ang isa sa mga ito at may highlight na brown ang blonde nitong buhok. Mukha itong mayaman. Actually, lahat naman. Pati iyong mga estudyanteng nadaanan ko kanina, kahit pareparehas kami ng suot na uniform ay mahahalata mo talaga na kayang kaya nilang dalhin nag sarili nila. Kapag tinitingnan ko sila, parang sinasabi sa akin ng mga Aura nila na may ipagmamalaki sila. At meron naman talaga. Hindi nila kailangang magyabang o magsalita dahil sobran class at elegante nilang tingnan kahit sa palalakad lang. And im very much sure of one thing. Kung ganito nakaka intimidate ang mga estudyante dito, ano pa kaya ang Aura ni Alia noong buhay pa ito? Ano kayang ugali nito? Napakaamo ng mukha nito at kung ako ang tatanungin, alam kong mabait ito. Pinagmasdan ko ang loob ng classroom. Malayo sa mga metal na single armchair na ang ilan ay may kalawang na kapag walang pintura na nasa kagaya ng school sa ibaba. Lalo na ang sinasapit ng mga eskwela sa public schools. Sila ang naglilinis ng CR kahit hindi naman sila ang guagamit noon. Ilang henerasyon na ang libro ng estudyante pati na rin ang sa teachers. Sa sobrang dami ng estudyante, kulang ang isang teacher sa minsan ay umaabot na singkwenta na bata. Pero dito... Isang lamesa at isang upuan na maayos para sa iisang estudyante. Aircon ang classroom, at sa tantya ko ay fifteen lang na estudyante ang pumapasok dito dahil ganoon din lang kadami ang upuan at lamesa. May transparent na bubog sa itaas ng lamesa na halos dalawang dangkal ang laki at haba kaya alam kong monitor iyon ng computer na gagamitin din namin. Ano kayang mangyayari sa mga buhay ng mga batang nagsisiksikan sa Public school sa ibaba kung dito sila makakapag-aral? Sigurado akong mas maganda. Sa harap ay nandoon ang isang lamesa at upuan. Walang kahit ano gaya ng white board o kung ano man. Ilalabas ko sana ang tablet ko pero napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon. Na sana pala ay hindi ko ginawa. Dahil nakita nya ako. Kitang kita ako ni Jackson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD